KABANATA 41: TILA bomba iyon sa aking pandinig. Nanghina ako at nawalan ng lakas. Gusto kong umuwi sa amin. Kaso hindi naman pwede ngayon dahil gabi na. Kailangan ko din magpaalam kay Logan mamaya at di ko alam kung papayagan ba niya ako na ilipat ang day off ko bukas. Ibinaba ko ang tawag. Umiyak si Mama at tila gumuho ang mundo dahil maagang nabuntis si Esmeralda. Hindi ko alam paano nangyari dahil wala naman akong kilalang boyfriend niya. Napapikit ako at nasapo ang noo. Hindi nga pala ako madalas na tumatawag sa kanila at ang huling alam ko ay gabi siya nakakauwi dahil sa gawain sa school pero mukhang pagnon-nobyo pala ang inaatupag niya. Kapapadala ko pa naman kay Mama pambili ng bagong bag niya dahil sabi niya nasira na daw. Umiyak ako at nanlulumong na