KABANATA 31: NAPAKURAP ako at umiwas ng tingin. Tila tsaka pa lang nagsink in sa akin ang inamin niya. Paanong? Bakit? “B-bakit a-ako?” Nauutal pa ko ng itanong iyon. Lumakas ang kabog ng puso ko. Para na din ata akong nagpa-palpitate. Nananaginip ba ko? Lumapit pa siyang lalo sa’kin. Umusog ako. Hindi ko ata kaya na mas lalo pa siyang malapit sa’kin. Huminto din siya ng mapansin ang pagurong ko. “Why not you?” balik-tanong niya. Umiling ako. Bumuntong-hininga ito. Nagkaroon na ng linaw ang mga kakaibang kilos niya. Ngayon alam ko na kung bakit. Pero sa dinami-dami bakit ako? Hindi ko alam kung pinagti-tripan ba ko nito o hindi. Baka naghahanap ng challenge ‘to? O baka gusto makita ang reaction ko tapos mamaya sasabih