KABANATA 32: NAGING awkward tuloy ang pagkain namin ng agahan kinabukasan. Pinapalipat niya si Amber sa tabi niya dahil aniya mas masusubuan niya daw ito kung ito ay nasa dulo. Kaso sumimangot si Amber at ayaw umalis sa gitna namin. Napansin din niya na panay ang Daddy niya ang naga-asikaso na sa kanya. Hindi ako makasagot. To the rescue si Sir Logan. “I want to take care of you, sweetheart. Why? Don’t you like it? Ngayon lang kita naalagaan, Amber. When I get back to work, your Ate Rica will take care of you again.” Napainom ako ng mango shake ng wala sa oras. Kagabi hindi ako pinatulog ng maayos ng mga sinabi niya sa’kin. Nagdadalawang isip ako kung hahayaan ko ba ang sarili na mahulog sa kanya o hindi. Hindi pa naman malalim ang pagtingin ko sa kanya. Simplen