KABANATA 16: MABILIS ding natapos ang weekends. Kabado ako nung linggo palang ng gabi at hindi ko nagawang matulog ng maaga. Makatulog man ay mababaw lang. Tipong nagigising ako kahit sa kaluskos o di kaya sa kuliglig. Maaga akong nagising alas-tres palang gising na ko para maghanda ng aking almusal. Kulang man sa tulog ay hindi ko iyon alintana dahil excited ako sa una kong trabaho. Tulog ang lahat at ako lang ang kumikilos sa kusina. Pagtapos kumain ay naligo na rin ako. Nakabihis na ko at isa-isa ng nilalabas ang dalawang malaking bag mula sa kwarto ng magising si Mama. “O, aalis ka na pala. Ang aga alas-kwatro palang pero okay na ‘yan kaysa ma-late ka. Unang araw mo pa naman.” Humihikab na sabi ni Mama. Pumunta sa kusina para magpakulo ng