KABANATA 65: HINILA ko ang aking kamay. Kumibot lang ang kilay ni Logan pero hindi na nagsalita. Nakapikit na ang kanyang mga mata. Bakas ang pagod at puyat. “Huwag mo na kong tawagin sa ganyan,” “Okay, baby...” namamaos na bulong nito. Napapikit ako at napahawak sa noo. Wala na ata sa huwisyo ito. Inaantok na. Tumalikod ako ulit at iniwan na siya sa sala. Sinulyapan ko pa siya pagdating ko sa itaas. Nakita kong nakakumot na siya at mukhang natutulog na ngang talaga. Nakahinga ako ng maluwag. Pumasok ako sa kwarto. Para na akong tinamaan ng antok. Pagdating sa kama. Bagsak na din ang katawan ko. Kanina hirap na hirap akong makatulog ngayon ay parang himala. Namimigat na ang mga mata ko at wala ng pakial