-Shania's POV- Tanaw ko mula sa aking kinaroroonan ang banayad na alon ng dagat. Ang kulay kahel na langit at dagat na animo'y ipininta dahil sa paglubog ng araw. Isa iyong tanawin na kayganda para sa akin. Masaya akong ngayon ay alam ko na ang tama at mali. Tamang binigyan ko ng isa pang pagkakataon si Lawrence para patunayan na mahal niya talaga ako. At maling kinamuhian ko siya dahil lamang sa makasarili ako. Gaya nang palagi niyang sinasabi, hindi lang ako ang nawalan. Maging si Lawrence ay nasaktan sa pagkawala ng sana'y magiging anak namin. "Babe, hindi ka pa ba magpapahinga? Maayos na raw yung kwarto mo." Narinig kong sabi ni Lawrence. Narito kami ngayon sa Roxas isang bayan sa Oriental Mindoro. Kararating lamang namin kaninang tanghali, at dahil sa pagod ay ipinahanda ni Lol