Chapter 2

1453 Words
-Shania's POV- Monday morning. Kahit ayaw kong pumasok ay pinilit ko pa rin ang sariling bumangon. Baka kung anong isipin ng ex-boyfriend ko kapag absent ako. Baka masyadong mabilib sa sarili kapag nalamang nagkaroon ng absent si Shania Lopez na school President. Taas-noong naglakad ako sa mahabang hallway. Wala pa naman akong naririnig na bulungan kaya panatag pa ang loob ko. Baka paranoid lang talaga ako. Hindi naman siguro ipagkakalat ni Sir Lawrence ang nangyari diba? Pareho kami matatanggal sa school kapag nangyari iyon. "Good morning Miss President." Nakangiting bati sa akin ng ilang estudyante. I greeted them back before rushing to my classroom. Nakita ko kasi si Sir Lawrence na naglalakad habang dala-dala ang laptop niya. He's wearing a black long sleeves and slacks. Mayroon rin siyang salamin sa mata. "Are you okay Shan?" Parang gusto kong sakalin si Lian, ang ex-bestfriend ko, dahil sa tanong niya. This b***h, feeling close pa rin. "Of course I'm okay." I said sarcastically to her. I went to my chair and make myself busy. Para hindi niya ako lapitan at kausapin. Nakakawalang gana na tuloy mag-aral. Parang gusto ko na lang ulit umuwi at magkulong sa kuwarto. Naging maayos naman ang pakikinig ko sa mga teacher na pumasok. Until Sir Lawrence came. He's the teacher for our major subject. Computer programming. Napapairap na tinungo ko na lang ang laptop ko. Naiinis ako sa mga hagikhikan ng mga kaklase ko. Kulang na lang ay maghubad sila sa unahan para pansinin sila ni Sir Lawrence. Hindi ko naman sila masisisi, magandang lalaki nga naman si Sir. Magaspang nga lang ang pag-uugali. Marahan kong itinaas ang tingin nang marinig ang boses ni Sir Lawrence. Parang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko nang magtama ang mga mata namin. "Shania Lopez." He called me with a blank expression. Atubili akong tumayo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit? Anong sasabihin niya? Anong kailangan niya? Maki-kick out na ba ako? Kakausapin ba kami ng school director? Matatanggalan ba siya ng trabaho? "Y-Yes S-Sir?" I asked nervously. I can feel my heart beating so fast. Para akong tumakbo ng napakalayo sa bilis niyon. Pasimple akong huminga nang malalim habang nakatitig pa rin kay Sir Lawrence. "Go to my office, I want to talk to you regarding--" "Yes Sir. Mauuna na po ako." Mabilis kong putol sa sasabihin niya. Kailangan niya pa bang sabihin iyon sa harap ng mga kaklase ko? Kailangan bang pahiyain niya pa ako?! Bwisit! Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng classroom. Pinilit kong kalmahin ang sarili dahil ramdam ko na ang namumuong inis sa puso ko. Medyo may kalayuan ang office ni Sir Lawrence. Malalagpasan ko muna ang education department at ang cafeteria. "Elle, c'mon! Nakita ko si Sir Brick, gosh, malalaglag na yata ang panty ko dahil sa ngiti niya." Narinig kong sabi ng isang babae nasa unahan ko. Tinatawag nito ang kaibigang hindi na maipinta ang hitsura. "Hi Shania..." Bati sa akin ni Elle. Kung matalino ako, mas matalino siya. Nangunguna siya sa buong school namin. Nakalaban ko pa nga siya sa puwesto ko ngayon. Pero mukhang wala talaga siyang balak na maging school President kaya ayon, umayaw siya. "Hi!" Nakangiting bati ko pabalik bago ipinagpatuloy ang pagpunta sa opisina ni Sir Lawrence. Nang makarating sa opisina niya'y muling kumabog ang dibdib ko. Kinakabahang naupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa ni Sir Lawrence. "Mr. Lawrence Keith Aragon." Basa ko sa pangalan niyang nakasulat. I realized that it's my first time to be in his office. Kadalasan kasi'y inuutos ko kay Veo ang pagpunta rito para magpapirma ng kung anu-ano. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kaniyang opisina. Malinis, nasa tamang ayos ang lahat. Kakaunti lang ang displays sa opisina. Masarap sa mata ang maluwag na space. One thing caught my attention. It was a picture of Sir Lawrence with someone I don't know. Baka girlfriend niya. Pinakatitigan kong mabuti ang litrato ng babae. Maganda siya, medyo maliit pero maputi. Kita sa maganda niyang kutis na may sinasabi siya sa buhay. "Baka girlfriend nga..." Naibalik ko bigla ang picture sa pwesto nito nang bumukas ang pinto. Pumasok si Sir Lawrence nang nakakunot ang noo. Pasimple akong lumunok bago umayos nang pagkakaupo. Gaya ng tinging ibinigay niya sa akin noong nasa kwarto niya ako, ang tinging ibinibigay niya sa akin ngayon. Full of anger, disgust, o kung ano pa mang pwedeng ilarawan sa expression niya. "Don't touch my property." he said in a cold voice. Kinakabahan ako, ramdam ko ang pagpapawis ng aking mga kamay at panginginig niyon. Pero pinilit ko anh sariling kumalma. Bakit ako matatakot? Baka nga pagtapos ng pag-uusap namin ngayon pareho na kaming hindi makabalik sa school na ito. "Gaya nang sinabi ko kanina, gusto kitang makausap. Tungkol sa gaganaping Computer Programming Competition." Napabuga ako ng hangin dahil sa narinig ko. Dang! Bakit nawala sa isip kong malapit na iyon? Pinakaba ko pa ang sarili ko. Akala ko naman gusto niya akong makausap tungkol sa nangyari sa amin. "O-Okay." tanging nasabi ko. Sinabi niya sa akin lahat ng mga gagawin. Lahat ng pagkakagastusan. Pati paggawa ng invitation para sa ibang school ay siya ang nagdetalye ng designs. Dapat raw may connection sa programming. Dapat daw maayos ang lahat. Ayaw niya raw mapahiya ang school namin kapag pumalpak kami. Nang matapos ay kaagad akong tumayo. Inayos ko na ang mga scratch papers na ginawa ko. Akma akong aalis nang tawagin ako ni Sir Lawrence. "About last night. Gusto kong malaman kung bakit nasa bar ka." He asked in a deep voice. Para akong kinikiliti nang boses niyang talagang panlalaki. "Sa akin na lang iyon Sir. Hindi mo na po kailangang alamin pa ang rason ko, kung bakit naroon ako." Sabi ko sa kaniya nang seryoso. Ayaw kong malaman niya ang dahilan ko. Ayaw kong kaawaan ako; kung iyon nga ang mararamdaman niya. At saka bakit ba gusto niyang malaman? Sino ba siya? Ano ko ba siya? "Bakit? Iyang rason mo ba ay napakabigat para magpakalasing ka at ibigay mo nang walang alinlangan ang sarili mo sa akin?" Sabi ni Sir Lawrence sa galit na tono. My jaw clenched of what I heard. Para na rin niyang sinabi na patapon ako. Gusto kong maiyak sa isiping napakababa pala ng tingin niya sa akin. I'm his student, sana man lang kahit papaano kilala niya ako. Kahit man lang sana kaunti respetuhin niya ako! Babae pa rin ako! "I was drunk and I don't know what I am doing that time. Ako ang may karapatang magalit sayo dahil para mo na ring sinamantala ang kalasingan ko noon!" My tears fell down. Akala ko masakit na yung nalaman kong niloko ako ng boyfriend at bestfriend ko. Mas masakit pala ang ginagawa sa akin ngayon ni Sir Lawrence. Nakakawala ng respeto sa sarili. Nakakabasag ng puso. "Sinamantala? I tried to stop you, pero hindi ka nagpapigil! Lalaki ako Shania, at hindi ko mapigilang di makaramdam ng init sa ginawa mo!" malakas ang boses na sabi niya sa akin. Mabilis ang lakad na lumapit ako kay Sir Lawrence. I slapped him. Yes. Sinampal ko ang professor ko. And I don't f*****g care kung anong magiging consequence sa ginawa kong iyon. Buo na ang pasya ko, aalis na lang ako sa school na ito! Ganoon rin naman diba? Kung hindi ako matatanggal, araw-araw ko namang maririnig ang masasakit na salita mula kay Sir Lawrence. "Bakit? Nagsisisi ka na ba na sa akin mo ipinagkanulo ang sarili mo? Hindi ka ba nasarapan? Oh, I doubt that. Halos mabaliw ka na--" Isa pang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya na nagpatigil sa mga masasakit na salitang sasabihin niya. He's my professor for Pete's sake! Puro kabastusan ang lumalabas sa bibig niya! Kung dahil iyon sa galit maiintindihan ko. Pero kung hindi'y ewan, bumaba na ang respeto ko sa kaniya. "I hate you Sir." sabi kong umiiyak bago mabilis na lumabas ng kaniyang opisina. Sana hindi magbunga ang nangyari sa amin. Sana walang mabuo. Dahil hindi ko masisikmurang dalhin sa aking sinapupunan ang anak ni Lawrence Keith Aragon. Ayaw kong magkaroon pa ng kung anong koneksiyon sa kaniya. Tama na ang pangyayaring iyon. Tama na ang kahihiyang natamo ko mula sa kaniya. "Shan?" Pagtawag sa akin ni Veo pagkapasok ko sa student council office. Mabilis siyang tumayo para daluhan ako. Kaagad na inabot niya sa akin ang kaniyang panyo. "Are you okay?" Marahan akong umiling bago yumuko sa desk ko. "Iwan mo muna ako Veo, gusto kong mapag-isa." Humihikbi kong sabi. Ayaw ko muna ng kausap. Baka mas lalo lang akong mapaiyak. Baka mag-usisa rin si Veo. Ayaw kong malaman niya ang nangyari sa amin ni Sir Lawrence. Hangga't maaari'y ayaw kong may iba pang makaalam ng tungkol doon. I hate Sir Lawrence. I hate him so much! Wala silang pinagkaiba ni David!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD