Chapter 1

1841 Words
-Shania's POV- "S-Sir Lawrence?!" Nanlalaki ang mga matang sabi ko. Ilang beses pa akong napalunok nang makita ang marahan niyang paglakad palapit sa kama.  What happened? Bakit kasama ko ang professor ko? "Don't move, you're still sore." Sabi niya nang mapansin ang akma kong pag-alis sa kama.  "What happened?" I'm about to cry, when he looked at me. His eyes were full of anger.  "You're the one who insisted it, and yet, you don't remember anything?" Sabi niya sa malamig na boses. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.  Anong gagawin ko?!  "M-May nangyari ba talaga S-Sir?" Umiiyak na tanong kahit na alam na alam ko ang sagot. Puta, bakit ba ako nagpakalasing!  "You screamed like there's no tomorrow, last night. Hindi pa ba sapat iyang nararamdaman mong sakit sa p********e mo para magtanong ka pa kung may nangyari ba sa atin?" Nangungutyang sabi niya sa akin.  Hey, we did this together. Bakit siya pa itong galit samantalang ako iyong naperwisyo?! "B-But Sir, hindi pwede. Itatakwil ako ng pamilya ko kapag nabuntis ako!" Iyak ko sa kaniya. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero malabo ng mga iyon.  "You're safe, you said that last night." he said while picking all of my clothes. Nahihiya ako dahil sa ginagawa niya. Ako dapat ang magpulot niyon. Safe? The f**k is that? I don't know anything about s*x!  "I-I did?" Tanong ko na lang nang bigla kong maalala ang sinabi niya. Obviously he was talking about something that you know; yun bang para hindi yata mabuntis ang babae.  God, maybe I should do some research after talking to my professor.  "You did," walang ganang sabi niya sabay abot sa akin ng mga damit ko. Mabilis ko namang kinuha iyon.  Maya-maya'y bigla akong natulala nang marealized ang sinabi ni Si Lawrence. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin niyon.  "Wait, you mean you exploded inside—oh f**k! Why did you do that? What if I get pregnant?" Umiiyak na tanong ko sabay takip sa aking mukha. Isang malaking kabobohan ito! Malaking kahihiyan ang kakaharapin ko 'pag nagkataon. Lagot na talaga ako sa mga magulang ko. Madi-disappoint sila sa akin!  "Hey, you said you're safe, that's why I didn't do withdrawal! Damn it!" sabi niya sabay sipa sa upuang naroon. Ako dapat itong galit! Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Ako nga naman ang nagpilit ng sarili ko. Paano nga kung mabuntis ako? Anong mangyayari? Matatanggal na ba ako sa school?  Mawawalan ng license si Sir Lawrence?  Paano kung ganoon nga? Bababa ang tingin sa akin ng mga tao. Pandidirihan nila ako! Iniwan ako ni Sir na umiiyak sa kwarto niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, kaya bago pa siya makabalik ay dali-dali na akong nagbihis at umalis sa kwarto. Marahan kong isinara ang pinto ng condo ni Sir Lawrence. Saglit akong napabuntong-hininga bago sumandal roon. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa harap.  "What the hell?! Kapitbahay ko lang si Sir?!" sabi ko habang nakatingin sa kaharap na pinto. Hindi ako nagkakamali! Pinto iyon ng condo ko!  Bakit hindi ko alam iyon? Sa tagal ko na sa condo ko ngayon ko lang nalaman na dito rin siya nakatira. Alam niya kaya?  "s**t!" I hissed. I opened the door of my condo when I saw him walking at the hallway. Hindi naman siguro niya ako napansin di ba? As if naman may pakialam siya. He obviously hates me.  Mariin akong napapikit nang maramdaman ang p*******t ng ulo. Dali-dali akong tumungo sa kuwarto para itulog na lang iyon. Pero isang pagkakamali ang ginawa ko. Paglapat pa lang ng likod ko sa malambot na kama'y parang agos ng tubig na bumalik ang alaala ng nangyari kagabi.  Muling bumagsak ang luha ko ng maalala ang pangyayaring iyon. Pinaghalong sakit at pagsisisi ang lumukob sa puso ko. From the time I confronted David, up to what happened between me and my professor. Dang. Baka buong puso ko na lang tanggapin ang katotohanang matatanggal ako sa school kapag may nakaalam ng mga kahihiyang nangyari sa akin.  Damn you Sir Lawrence! You took advantage of me, tapos ikaw pa itong may karapatang magalit?! I closed my eyes when I remember the pain of  him entering me. He was gentle.  Sir Lawrence is a hunk. A hunk professor. He's only 28 years old. Everyone from my school wants to be with him. But of course I'm not one of them. I was madly inlove with David before. Hindi ko nga napapansin na may hitsura pala siya. He's my professor but, we never talk that much. I mean, hindi naman siguro required na maging close ako sa mga guro ko diba? I'm not a fan of those stories na may kinalaman sa student-teacher relationship.  Maya-maya'y bigoa akong napabangon. Walang mangyayari kung buong maghapon akong magkukulong sa kuwarto habang nilalamon ng mga nakakahiyang alaala. I went to the shower, and let the water run through my body. Pero kahit pala anong gawin ko. Susundan at susundan pa rin ako ng mga alaalang iyon. Putangina.  Mariin akong napapikit habang ninanamnam ang malamig na tubig na yumakap sa katawan ko. Kabaligtaran ng init na yakap ni Sir Lawrence kagabi. I remember the way he kissed me, the way he touched me. Lahat ng iyon ay may kalakip na pag-iingat. But why?  What if I get pregnant? Tatanggapin niya ba? Papanagutan niya ba ako? Obviously not, he hate me. Kita ko sa mga mata niya kanina ang galit at disgusto. Isa pa'y estudyante niya ako. Mahalaga kay Sir Lawrence ang pagiging guro niya. Halata sa naging reaksiyon niya kanina na hindi niya nagustuhan ang naging tanong ko.  Gaya ng sabi ko, hindi naman kami close. Kung magkakausap man kami, dahil iyon sa mga inuutos niya sa akin. Minsan niya lang rin ako kung tawagin para magrecite. Kahit na top one ako at school campus President, hindi niya ako madalas kausapin. Ganoon rin naman ako sa kaniya.  Si David lang ang nakikita ko noon. Si David na pinagkatiwalaan ko. Si David na minahal ko nang sobra. Si David na puntangina! Hayop sila. Magsama sila ni Lian!  Nang matapos maligo'y kaagad na akong nagbihis. Medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko. Gumaan na ang pakiramdam ko. Pati nga ang sakit sa pagitan ng mga hita'y medyo nawala na rin.  Kaagad akong tumungo sa kusina para sana kumain. Kagabi pang walang laman ang sikmura ko. Lagpas tanghalian na kaya siguro nakaramdam na ako ng gutom.  Isang maong shorts at white shirt lang ang sinuot ko. Kumuha rin pala ako ng black hoodie at black cap. Wala lang, ayaw ko lang na may makakita sa aking kakilala. Baka tsikahin pa ako.  Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang isipin kung anong mga susunod na mangyayari. Saturday ngayon, may isang araw pa para maghanda ako sa paghaharap namin ni Sir Lawrence sa school.  Anong gagawin ko? Paano kung may nakakita pala sa aming mga kaeskwela ko sa bar? Paano kung nakita nilang sumakay ako sa kotse ni Sir Lawrence?  Napapahawak sa ulong pumasok na lang ako sa loob ng elevator. Akmang lalapit na ako sa kinaroroonan ng mga buttons nang pumasok si Sir Lawrence. Nakasuot lang rin siya ng ripped jeans at white hoodie. May puting sombrero rin siyang hawak. Puti rin ang kaniyang suot na sapatos. Napapairap na iniwas ko na lang ang tingin. Sana pala hindi na lang ako naghoodie.  "Where are you going?" "None of your business." Hindi ko napigilan ang magtaray. Dapat ngayon pa lang praktisin na namin ang ganito. Ayaw kong maghinala ang mga kaklase ko. "Wow..." he chuckled.  Tahimik lang kami sa buong oras namin sa loob ng elevator. Hindi na ako nakarinig ng kung ano sa kaniya. Mabuti iyon, dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang inis.  Ngayon lang kasi tumitimo sa isipan ko ang mga sinabi at naging reaksiyon niya kanina.  Lakas ng loob niyang magalit gayong ako nga itong nasa ilalim ngnespiritu ng alak! Sa madaling salita, pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko! Dapat naging maingat rin siya! Dapat inisip niya rin ang kung anong mangyayari pagkatapos! Siya itong matino ang pag-iisip kagabi! Tapos ako pa itong sisisihin niya?! Oo may mali ako, pero dala iyon ng kalasingan! Marahas akong napahinga bago tinapunan ng masamang tingin ang numerong lumitaw sa taas ng elevator. f**k, bakit ang tagal mong makarating sa lobby?  Naiinis na ikinuyom ko ang mga kamao. Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumukas na ang pinto. Hindi ko na nga pinansin si Sir Lawrence. Dire-diretso lang ang lakad ko palabas.  Sa katapat na fast food restaurant ako tumungo. Kaagad akong pumila sa counter. Kaunti lang naman ang tao. Dahil siguro iyon sa patapos na ang lunch time.  "Your order Ma'am?" Tanong sa akin ng babaeng nasa harap. Napansin ko ang peke nitong ngiti. Marahil ay kanina pa niya akong tinatanong.  Mabilis kong sinabi ang order ko. Nang matapos ay marahan akong gumilid para pagbigyan ang taong nasa likuran ko. Pero bigla akong napamaang nang makita ang pamilyar na puting sapatos. Mariin akong napapikit bago tumingin nang matalim kay Sir Lawrence. Hindi niya ako pinansin. Diretso lang ng tingin niya sa babaeng kumukuha ng order niya. Napapailing na hinintay ko na lang ang pagkaing in-order ko. Nang makuha iyo'y kaagad na akong umalis. Hindi pa man ako nakakapasok sa lobby ng building ay isang kamay ang humila sa akin. Mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita si David. "What?!" asik ko. He hugged me. Mahigpit iyon na parang ayaw niya na akong pakawalan. "Please, Shan, patawarin mo na ako. Hindi ko na iyon uulitin. Hindi na ulit kita sasaktan." "Talagang hindi mo na ako masasaktan dahil huli na iyon! Mahiya ka naman David! Nakakadiri ka." Mariin kong sabi bago siya itinulak nang malakas. Tatakbo na sana ako papasok nang muli niya akong yakapin. Hindi ko alam, pero bigla'y nakayanan kong hindi umiyak sa harap niya. Pinatigas ko ang ekspresiyon bago ko siya muling itinulak. "Stay away from me kung ayaw mong sampahan kita ng kaso!" "Hindi mo iyon magagawa, Shania! Mahal ko diba? Mahal na mahal mo ako!" "Kapal ng mukha mo!" mariin kong bulong habang umiiwas sa mga kamay ni David. "Ang kapal ng pagmumukha mo! Anong mahal? Simula ng makita ko ang nangyari sayo at kay Lian, puro pagkasuklam at pandidiri na lang ang nararamdaman ko para sayo! Umalis ka na David." Saglit ko pang tiningnan nang matalim si David bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hinabol ko pa ang papasarang elevator. Baka kasi sumunod si David, maabutan niya pa ako. Lima kaming nasa elevator. Kasama si Sir Lawrence na nasa gilid. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Sa likod ako pumuwesto dahil pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko sa sobrang galit. Ilang beses pa akong nagpakawala ng mararahas na paghinga. Nang makarating sa top floor ay mabilis ang lakad na tinungo ko ang pinto ng unti ko. Naiinis na sinipa ko ang pinto nang hindi ko mailagay nang maayos ang password. Grabe pa rin kasi ang panginginig ng mga kamay ko. Nagkandamali-mali na ako sa paglalagay ng numero. "Shania..." "I'm okay!" Sigaw ko kay Sir Lawrence bago muling sinubukang ilagay ang password. "You're trembling..." "I know, please shut up!" Inis ko pang sabi bago pumasok sa loob nang mabuksan ko na ang pinto. Tuloy-tuloy akong napaupo sa sahig. I'm okay... Galit lang ako kay David.  Hindi ko na siya mahal diba?  Hindi na ako nasasaktan diba?  --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD