-Shania's POV- Dalawang araw na rin simula nang payagan ako ng Doctor na umuwi na. Kahit mabigat pa rin ang loob ko ay pinilit kong itago sa mga magulang ko na nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ng aking anak. Ayaw kong mag-alala pa sila sa akin. Hindi ako bumalik sa condo. Hindi ako tanga para bumalik doon. Ipapaalala lamang niyon sa akin ang mga alaalang meron ako kasama ang baby ko. Kung maaari’y ayaw ko na munang isipin ang pagkawala ng anak ko. Ayaw kong lamunin ako ng sobrang lungkot. "Shan, are you really okay?" Tanong sa akin ni Mommy. We're in the balcony at this moment. Kwentuhan lang ng kung anu-ano. Mga kwentong alam nilang ikagagaan ng pakiramdam ko. "Yes Mom." Mabilis kong sagot sabay iwas ng tingin. Gaga, Shania, of all people, sa Mommy mo pa talaga ikaw nagsisinunga