Kristina's POV Pagkatapos ng nangyari sa party, ilang araw kaming walang kibuan ni Dylan. Isang araw ko lang siya nakita. Sa umaga hindi ko na siya naaabutan, sa gabi naman, anong oras na rin siya umuuwi. Hindi niya man lang inalam kung anong nangyari. Bigla na lang niyang sinuntok si Marco. Siya pa may ganang magalit. Siya nga din itong nakipaghalikan kay Cathy. Ang laki ng tiwala ko sa kaniya, pero sa isang iglap, pinatulan niya na kaagad si Cathy. Nasa OB ako ngayon. Pa-simple akong umaalis ng bahay. Ayoko pa ipaalam kay Dylan itong pinagbubuntis ko, sa tuwing sasabihin ko sa kaniya may nangyayaring hindi maganda. Hindi ko alam kung talagang pinaglalaruan kami ng tadhana. "Your blood pressure is okay, as for your weight ... don't eat sweets, like chocolate and cold... like ice cre