Kristina's POV Maaga akong nagising dahil maaga rin akong pupunta sa OB ko. Hanggang ngayon 'di pa rin alam ni Dylan na buntis ako. Sa tuwing sasabihin ko sa kaniya, palaging may isturbo. Sign ba yun na hindi pa ito ang oras para sabihin ko sa kaniyang buntis ako? Nasa kitchen ako naghahanda ng umagahan. Masaya ang araw ko ngayon dahil sa nangyari kagabi. Sino ba naman hindi aabot ang ngiti sa tenga sa ginawa ni Dylan. Napahiya si Cathy, dahil tinanggihan siya ni Dylan. I feel her. Halos mapatalon ako sa lakas ng boses na sumigaw sa likuran ko. Muntikan ko pa mabitawan ang plato na hawak ko. Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses. Nasilayan ko si Gina. Anong ginagawa niya dito? "Hep! Alam ko na ang itatanong mo, Ate, Kris," ngiting-ngiti nitong sabi habang papalapit sa akin. M