Kabanata 13: Promise.
PAGKARATING namin sa bahay ni Stryker, nakahilerang nag-aabang ang mga kasambahay sa may bungad pa lang ng pinto. Apat na kasambahay lang naman sila at mga may edad na bukod sa isang mukhang ka-edaran ko lang. Hindi ako kumportable sa paraan ng pagtingin sa akin ng kasambahay na iyon pero dahil ang nasa isip ko ay normal lang ang maging judgemental sa unang beses mong makilala ang tao, hinayaan ko na. Baka dyina-judge niya lang muna kung mabait ba akong amo.
“Good morning everyone, ito si Ayla, siya ang asawa ko. Bumati kayo sa kanya,” ani Stryker.
“Magandang umaga, Ma’am Ayla!” sabay-sabay na bati nilang apat na tila ba informed sila sa pagdating ko.
“Ako po si Gloria, ang pinakamatandang maid sa bahay ni Sir Stryker,” anang isa sa kanila na may puro puting buhok na maiksi ang buhok.
“Ako naman po si Soleng.”
“Ako po si Bekang.”
“At ako naman si Nena!” dagdag noong pinakabata sa kanila at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Nginitian ko silang lahat at palihim na pinagdasal na sana ay maging mabait sila sa akin habang nakatira ako rito. Wala naman akong balak na tumira dito forever kaya ayos lang.
“Nice to meet you all!” sagot ko.
Nang maipakilala na ako ni Stryker sa mga kasambahay niya, dumiretso na kami kaagad paakyat sa second floor. Sasamahan pa nga sana kami ni Nena pero hindi ako pumayag kasi gusto ko siyang makausap habang paakyat kami. Marami kaming dapat na pag-usapan.
“Saan ang kwarto ko?” tanong ko.
Humunto siya sa paglalakad nang makatungtong na kami sa second floor ng bahay. At saka siya lumingon sa akin at ngumisi nang nakakaloko.
“Alam mo ba na ang mga kasambahay sa baba ang mata ni Mom?” sagot niya. “Sa oras na malaman nilang hindi tayo magkasama sa iisang kwarto, sa tingin mo anong mangyayari?”
Suminghap ako sa sinabi niya. “So ibig mong sabihin, magkasama tayo sa kwarto?”
“Oo, what do you think? Married couple should stay in the same bedroom!”
“What the hell, Stryker?”
“Huwag kang mag-alala, kagaya nga ng sinabi ko, ayos lang naman sa akin ‘yon… kung gusto mo, pwede ka namang magsabi.”
“STRYKER!” bulalas ko.
“Biro lang, there’s another room beside my bedroom. You can take that,” sagot niya.
Umikot ang mga mata ko. Akala ko totoo na! Hindi ko kayang magkasama kami sa iisang kwarto. May tiwala ako sa sarili ko, pero sa kanya, wala!
“Saan ang kwarto ko?” naiiritang tanong ko.
“Sasamahan kita,” aniya.
“Ako na lang!”
“Ituturo ko lang kung saan ang kwarto, hindi kita gagahasain, Ayla. You’re too paranoid. I have seen a lot of girls before, sexier and prettier than you.”
“Edi ikaw na!” bulalas ko. At saka napairap.
Kagaya ng gusto niya, hinayaan ko na lang siyang ituro sa akin kung saan ang kwartong tutuluyan ko imbes na makipagtalo pa sa kanya. Magkatabi lang ang kwarto ko at kwarto niya, as in ang pinto ay magkatabi, pero ayos na sa akin iyon basta may pagitang pader sa aming dalawa kaysa naman magkatabi kami sa kama kagaya kagabi! Hindi ako nakatulog nang maayos nang dahil sa kaba ko na baka kung anong gawin niya sa akin.
Pagpasok sa kwarto, namangha ako sa laki nito. Mas malaki sa kwarto ko.
“Guestroom ito, pero dahil nandito ka na, kwarto mo na ito. I just have to talk to the maids to shut their mouths. Dahil totoo ang sinabi ko sa ‘yo kanina, they’ll talk,” aniya. “Do you want help to unpack your things?”
“Hindi na, ako na.”
“Alright, if that’s what you want.”
Hinayaan na niya ako sa kwarto ko. Nang maisara ko na ang pinto, sinimulan ko kaagad ang pag-aayos ng mga gamit ko kaysa palipasin pa iyon ng ilang oras dahil bukas din ay may pasok na ulit sa eskwelahan.
Isang oras din ang layo ng school na pinapasukan ko rito at wala akong kotse. Kaya hindi ko alam kung anong klaseng kalbaryo kaya ang dadanasin ko sa oras na mag-commute ako! Sobrang laking hassle talaga ng ginawa kong ito. Ano ba naman kasi ang nasa kukote ko?
Bahala na, hindi rin naman magtatagal ito, matatapos din!
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, lumabas na ako ng kwarto bandang tanghalian. Medyo nagugutom na rin ako at saka balak ko sanang pumunta sa mall para bumili ng ilang gamit para sa lesson plan ko. Naubos na pala ang ilang gamit ko, kung hindi ko pa inayos.
Pagkalabas ko ng pinto, kakatukin ko sana si Stryker sa kwarto niya para tanungin kung kakain na ba siya, pero naabutan kong nakaawang ang pinto ng kanyang kwarto.
Mula sa siwang, sumilip ako para tingnan siya, bubuksan ko sana pero narinig ko ang pakikipag-usap niya sa kung sino mula sa kanyang phone.
“Yeah, yeah, alright. That’s good to hear. Kailangang walang makasagabal sa plano ko.”
Plano?
Ipinagkibit-balikat ko iyon dahil ang nasa isip ko, baka tungkol sa negosyo na hindi ko naman alam kung ano. Marahan akong kumatok para mapansin niyang nasa pinto ako.
“Hey…”
Lumingon siya sa akin at tila nabigla nang makita niya ako. Nagmamadali siyang nagpaalam sa kausap niya.
“What?” Naiiritang tanong niya.
“Bakit parang nataranta ka yata?”
Umawang ang labi niya saglit bago ibinulsa ang cellphone. “Wala. Bakit?”
“Itatanong ko sana kung kakain ka na. Pero mukhang mainit yata ang ulo mo.”
“Hindi mainit ang ulo ko, I was just surprised. Bigla kang pumapasok.”
“Kumatok ako, ah!”
“Kumatok ka, binuksan mo na ang pinto.”
“Binuksan ko ang pinto kasi nakabukas naman talaga!” sigaw ko.
“Fine, fine. Calm down,” sagot niya.
Nanliit ang mga mata ko at nakaramdam ako ng paghihinala. “May itinatago ka ba? Babae mo iyan ano?”
His brow arched. “Seriously, are you jealous?” Gumuhit ang mapaglarong ngumisi sa kanyang labi.
“Seryso? Bakit ako magseselos? Anong meron?” Natawa ako. “Ang assuming mo! Hindi ka pwedeng mambabae habang kasal tayo, kapag may nakahuli sa ‘yo na kamag-anak ko. Patay ka!”
“At bakit? Ano bang gagawin nila sa akin?” Naglakad siya palapit sa akin at nang nasa harap ko na siya, yumuko siya para ilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. “Lalaki ako at may pangangailangang hindi mo maibibigay sa akin.”
“Mahabaging langit, Stryker! Mabubuhay ka ng wala ‘yon!”
“Ikaw, kaya mong mabuhay nang wala. But I’m not. So don’t ever tell me what to do, Ayla. Hindi naman ako magpapahuli, I promise.” Pagkatapos ay kumindat siya at lumagpas sa akin. “Kain na tayo, babe. Lalamig ang tanghalian.”