Kabanata 14: Kaba.
TAHIMIK ako habang kumakain kami ng tanghalian. Iniisip ko iyong sinabi niya kanina. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. I mean, kung hindi nga naman siya magpapahuli, it doesn't matter. Pero ang isiping may iba siyang kasamang babae, na ikinakama niya pa… ewan!
Habang kumakain ako, iyon talaga ang nasa isip ko!
“Babe, are you alright?”
Hindi pa ako matatauhan kung hindi ako tinawag ni Stryker.
“Okay lang ako,” sagot ko.
“Are you upset because of what I said earlier?” nakangising tanong niya.
Umirap ako at tinusok nang mariin ang karne na nasa plato ko at saka umismid. “Hindi, bakit naman ako ma-a-upset?”
“I don’t know,” he replied smiling.
Umirap ako at nagpatuloy sa pagkain. Naiinis talaga ako sa kanya. Ayaw kong sabihin na iyon nga ang ikinaiinis ko dahil nga iniisip niyang nagseselos ako. E, hindi naman! At bakit naman ako magseselos? E wala naman akong gusto sa kanya!
Matapos naming kumain ng tanghalian, nauna akong bumalik sa kwarto para maghanda nang umalis. Pupunta ako sa Mall para mamili ng mga ilang kailangan ko para sa school.
Mabuti na lang at hindi ko na naabutan si Stryker paglabas ko ng kwarto dahil naiinis talaga ako sa kanya. Baka hindi ko matansya ang sarili ko, masapok ko pa siya!
Medyo malayo pa ang nilakad ko palabas ng bahay ni Stryker dahil nasa subdivision. Saka ako sumakay ng jeep. Sa Mall, naging ayos naman ang pamimili ko… kung hindi lang biglang nagkaroon ng problema.
Bitbit ang mga pinamili ko, saktong paglabas ko ng Mall, isang marahas na putok ng baril ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Sa gulat ko at napatakip ako sa magkabila kong tenga at napahiyaw!
“Tangina, ano ‘yon?!” sigaw ng isa sa mga taong naroon.
Nagkagulo ang lahat ng mga tao sa paligid. Lahat ay nataranta. Maging ako ay naguluhan. Hindi kalayuan, may isang van na kulay puti ang huminto sa harap ng Mall at naglabasan ang ilang mga lalaki na nakasuot ng kulay itim na suit.
Natulala ako, hindi ako nakagalaw habang ang ilang mga naroon ay nagtatakbuhan na sa sobrang takot.
“Hanapin n’yo, dali!” sigaw ng isa sa kanila.
May tiningnan siya sa kanyang cellphone at luminga sa paligid, hanggang sa tumutok ang tingin nito sa akin.
“Ayun siya!”
Namilog ang mga mata ko sa takot. Gumapang ang kaba sa aking dibdib nang ituro ako ng isa sa kanila. Doon pa lang ako natauhan, nang ako nga talaga ang bigla nilang hinabol.
Sa taranta ko, nagmamadali akong napaatras at tumakbo.
“Habulin n’yo!”
Wala akong alam sa dahilan kung bakit nila ako hinabol, pero para makasiguro, tumakbo rin ako. Takot na takot ako na halos maiyak na ako. At mas lalo lang akong natakot nang makarinig akong muli ng putok ng baril.
“Tigil!” sigaw nila sa akin.
Humihikbi na ako sa takot, hanggang sa may bigla na lang humatak sa akin papunta sa kung saan at tinakpan ang bibig ko.
Kabadong nagpumiglas ako habang umiiyak sa takot.
“Sshh, it’s me. It’s me, Ayla… sshh.”
Natigil lang ako sa pagkawala nang marinig ang boses ni Stryker. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, mabilis akong napaiyak at yumakap sa kanya.
“H-hinahabol nila ako… h-hindi ko alam… bakit…” Umiiyak na paghikbi ko.
“Sshh, uuwi na tayo,” bulong niya. “Wala na sila…”
Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng bahay habang akay ni Stryker. Nang nakaupo na ako sa sofa, saka ko pa lang na-realize na nakauwi na kami.
“Here, drink this. It’s calming tea,” ani Stryker.
“S-salamat,” sagot ko. Humigop ako roon bago nag-angat ng tingin sa kanya.
“Ni-report ko na sa pulis ang nangyari,” aniya.
“Sino ba ang mga ‘yon? Bakit nila ako hinabol?” tanong ko.
“I don’t know…” he murmured. “Bakit ka ba kasi lumabas nang hindi nagpapaalam sa akin? Paano kung hindi kita sinundan? Edi napahamak ka na!”
“Kailangan ko pa bang magpaalam sa ‘yo kapag aalis ako?”
“Oo. I am your husband, Ayla.”
“Sa papel lang iyon! Ibig bang sabihin, wala na akong karapatang magdesisyon ng sarili ko lang?”
“Ayla… something bad happened to you,” Stryker said. “What if they took you and killed you?”
“Teka nga, paano mo ba ako nasundan?” taas ang kilay na tanong ko.
“I…” he sighed. “Just don’t go out without telling me where you’re going.”
“Hindi na kailangan. Sa tingin mo makakalabas pa ako sa lagay na ‘to? Papasok ako bukas sa school! Paano kung naroon sila?”
“You can go to school tomorrow. Ako ang bahala,” sagot niya na tila ba sigurado siyang kaya niya akong protektahan.
“Paano ka makakasigurong hindi na sila lilitaw bigla?”
“I reported them to the police. Everyone saw what happened. Sa tingin mo makakalapit pa sila sa iyo?”
Bumuntonghininga ako at naitakip ang mga palad ko sa aking mukha. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako nang dahil sa takot.
“Come here.”
Hinawakan niya ang balikat ko at hinatak ako palapit sa kanya para yakapin. Pero imbes na hayaan siya’y itinulak ko siya palayo.
“A-ano ba?”
“Nanginginig ka, you need power hug.”
“Power hug o tsansing?”
“Both,” he chuckled.
I pushed him forcefully and then moved away from him. Pinanlisikan ko siya ng mga mata.
“Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari kanina… hindi ko talaga sila kilala. Sana mahuli sila ng mga pulis, balitaan mo ako kapag may balita na sila.”
Tumango siya. “Don’t worry too much, I will.”
—
Stryker’s POV:
Nang makapagpahinga na si Ayla sa kwarto niya, kaagad akong nagbihis bitbit ang cellphone at wallet ko.
I was so mad when one of my enemies chased after Ayla. Hindi ko alam kung saan nila nabalitaan na asawa ko si Ayla at kung anong pumasok sa kukote nila.
As I drove through our hideout, I called Charles to ask if they'd already cooperated with the police.
“Yes, Boss! Ang sabi nila, gawin muna natin ang kailangan nating gawin bago i-turn over ang mga siraulong iyon.”
“Ang lakas ng loob nila. F*ck!” I cursed.
“Sobra, Boss. Bilisan n’yo na po rito habang tulog pa ang mga hinayupak.”
“Papunta na ako.”
Nagtiim-bagang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho patungo sa hideout. At nang makarating ako roon, bumati sa akin ang ilang kasamahan namin sa gang bago ako pumasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob, naroon na si Charles.
“Boss, mapapahamak po talaga ang asawa mo sa trabaho natin, sa tingin ko kailangan niya ng magbabantay.”
“I know, kumuha ka ng ilang tauhan para sumunod kay Ayla.”
“Alam niya na po ba ang tungkol sa tatay niya?”
Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Charles. “She’s innocent. I heard it from Dex. Inutusan ko siyang imbestigahan si Ayla.”
“Kung inosente, kawawa naman at nadawit dito, Boss.”
I sighed. “I’ll just protect her from her father. Once I’m done doing what I need to do, pakakawalan ko na siya.”