Kabanata 02: Kasal-kasalan.

1280 Words
Kabanata 02: Kasal-kasalan. “MY friend, he’s a Judge here in Las Vegas!” bulalas ni Lara nang makabalik siya sa tabi ko. Medyo nahihilo na ako dahil sa kaiinon ng alak na in-o-offer sa akin nitong si Stryker. Pero kahit na papaano, nakikilala ko pa rin naman itong Judge na sa akin ni Lara. Lalaki siya, pero halatang bading! Sa awra pa lang ng mukha niya. “You’re a Judge? Can you wed us?” natatawang tanong ko. Even with my eyes blurry, nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Lara sa tanong kong iyon. “Ay Manang Ayla! Anong sinasabi mong ikasal? Kayo? Nitong si Stryker? Inalalayan ka lang sa b*****b, kasal agad?” “I want to get married to her!” saad ni Stryker. “Are you sure? If you really want then let’s go somewhere quiet!” sigaw ni Judge na hindi ko alam ang pangalan. Ito namang si Stryker, bumaba mula sa high chair na kinauupuan niya at saka inilahad ang kamay sa akin. “May I?” he asked, smiling. At dahil kulang na lang ay makalaglag panty ang gwapong ngiti niya, ako naman itong si gaga, humawak din sa kamay niya at nagpaalalay kahit kaya ko namang bumaba nang mag-isa. Napahawak ako sa dibdib niya habang siya naman ay napahawak sa beywang ko. Kilig na kilig naman ako, sa isang iglap, nabuhay ang kagustuhan kong magkaanak sa lalaking katulad nito. Kapag ikinasal ba kami? Mabibigyan niya kaya ako ng kasing-gwapo niyang anak? “Let’s go then,” Stryker said. Hindi ko alam kung paano kami nakalabas sa Night Bar na iyon, basta ang alam ko na lang ay nasa loob kami ng kwarto habang may kung ano-anong sinasabi itong si Judge pagkatapos ay pinapirma kami sa papel. “Let’s meet again after this night, alright?” Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang nawala sa katinuan. Hilong-hilo ako sa sobrang kalasingan. Na ang lahat ng mga nangyari ay tila flash lang ng camera na dumaan sa mga mata ko at sa paggising ko, hindi ko na alam kung ano ang nangyari. “Mahabaging Diyos… ang sakit ng ulo ko!” Reklamo ko saka sinubukang bumangon sa pagkakahiga. Sa pagbangon ko, kaagad kong sinulyapan ang katabi ko at nakita si Lara na sarap na sarap sa pagtulog. Kaagad ko naman siyang niyugyog. “Ma’am Lara! Gising na, umaga na!” Niyugyog ko pa siya hanggang sa tuluyan siyang nagising. “Oo nga pala, magagalit sa akin ang Mama mo kapag hindi kita inuwi ng Lunes,” aniya. Saka nag-angat ng tingin sa bintana. Nasapo ko na lamang ang noo ko saka ako bumangon mula sa kinahihigaang kama. Natatandaan kong nag-check in kami sa hotel… pero ang natatandaan ko, may kasama kaming dalawang lalaki. Nang mapagtanto kong nagsama kami ng lalaki, kaagad kong pinakiramdaman ang katawan ko, kinapa ko ang p********e ko, ang dibdib ko pati na rin ang labi ko… pero wala naman akong napansing kakaiba. Kaya agad kong hinampas si Lara sa pwet. “Ma’am! May kasama tayong lalaki kagabi, nasaan na sila?” “Hmm, jusko be, umalis na kagabi pa. Ang sabi magkita na lang daw kayo ulit,” sagot niya. “Si Stryker ba?” Kumunot ang noo ko at naalalang iyon nga ang pangalan. “Oo! Teka… wala na akong matandaan masyado. Hindi ko alam kung anong nangyari. Grabe, lasing na lasing ako.” Doon pa lang biglang bumangon si Lara. “Talaga? Wala kang maalala sa nangyari? Nagkasal-kasalan kaya kayo kagabi!” “Kasal-kasalan?” taas ang kilay na tanong ko. Napatingin pa ako sa kamay ko para tingnan kung may singsing. Pero namilog ang mga mata ko nang makitang may drawing ng marker ang daliri ko na hugis singsing! “s**t, totoo?” “Oo Manang Ayla, gusto mo ng pruweba?” “S’yempre! Papaano naman ako maniniwala sa ‘yo kung walang pruweba, aber?” Paghahamon ko sa kanya. “Grabe, wala ka na ba talagang tiwala sa akin? At saka, sobrang lasing ka pala talaga kagabi. Hindi ka naman sumuka!” Dinampot niya ang cellphone niyang nasa side table saka kinalkal ang gallery bago iyon iniharap sa akin. Doon, tuluyan na ngang namilog ang mga mata ko nang makita ang picture naming dalawa! Maraming shots, puro blur! Pero ang pinakamalinaw ay… “Nag-kiss pa nga kayong dalawa, tingnan mo, oh!” kinikilig na ani Lara. Nag-kiss kaming dalawa. Ang first kiss ko! Nakuha lang dahil sa isang gabing nalasing ako! — Three months later… “Hindi na talaga kayo nagkita ni Stryker ano?” tanong ni Lara. “Nandito na siya sa Pilipinas, hindi ka niya kinon-tact? Hiningi niya ang number mo.” Umirap ako habang patuloy na nagbubura ng blackboard. Katatapos lang ng klase at ito na naman siya, dito nakatambay sa classroom ko. “Hayaan mo na iyon, Ma’am Lara. Ilang buwan na ang nakalipas. Bakit mo pa iniisip ‘yon? Ang tagal-tagal na!” bulalas ko. “Dzai, hindi ko makalimutan, e. Siya ang first kiss mo, at saka sayang! Ang gwapo, hindi mo man lang natikman!” “Wala namang problema sa akin kung hindi ko natikman…” Pero ang totoo niyan, malaki ang panghihinayang kong hindi. Isang buwan din akong naghintay na baka contact-in niya ako o kaya magkita kami bigla. Pero wala talaga… hindi talaga nangyari. Kaya nang magdalawang buwan na, tuluyan ko nang hinayaan. Baka mali talaga siya para sa akin. At saka, mukhang babaero iyon. Si Lord na ang gumawa ng way para hindi ako mapunta sa maling lalaki. “Sus! Kunwari ka pa! Gusto mo ba, itanong natin kay baklang Judge kung ano ang real name niya? For sure, nasa marriage contract iyon na pinirmahan n’yo. Tapos i-stalk natin sa EPBI!” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Marriage contract?” takang tanong ko. “Anong pinagsasabi mong marriage contract?” “Hindi mo maalala? Pumirma ka sa marriage contract.” Natigil ko ang pagbubura sa blackboard nang makumpirma sa kanya. “Lara, tawagan mo iyang si Judge at gusto kong malaman kung nagsasabi ka ng totoo!” Saglit na napakurap si Lara bago tuluyang dinukot sa bag niya ang cellphone saka tinawagan ang Judge. Nakapameywang ako habang hinihintay ang sagot. Ilang saglit pa ay sumagot na ito at in-i-loudspeak niya para lang talagang marinig ko. “Hello, Lara? Why did you call? It’s midnight here…” “Hey, did you remember the couple we wed about three months ago?” tanong ni Lara. “I just want to confirm the man’s name. We didn’t know his real name and he hasn’t contacted Ayla ever since.” “Wait… what?!” Pareho kaming nagulat sa biglang isinigaw ng Judge. “You’re not deaf, right? That man hasn’t contacted him ever since.” “What? I didn’t know that they’re not a couple! I thought it wasn’t a play. I registered for their marriage!” Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa gulat. Gumapang ang inis sa aking sistema. “Anong sinasabi mong inirehistro?! May mga kailangang lakarin d’yan ‘di ba? Ang birth certificate ko? Cenomar?! Paano mo nagawa ‘yon?!” Nagsisisigaw na ako sa inis. “You both sent PDF file ng birth certificates! And because Lara is my friend, I did it myself. Madam, you’re in great trouble! I’m really sorry, I really don’t know that you’re not a couple!” With that, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Gustong-gusto kong murahin itong si Judge dahil sa kagagahang ginawa niya pero… sa pagkakataong ito, kailangan ko na talagang mahanap iyang Stryker na iyan at makakatikim siya ng strike ng sipa ko once na magkita kaming dalawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD