Kabanata 03: Pool.

1181 Words
Kabanata 03: Pool. “ANO? Ikakasal na?!” bulalas ko. “Oo, dzai! Mukhang hindi rin yata niya alam na kasal siya! Malaking gulo ‘to.” “Kailan ang kasal? Kailangan ko siyang makausap as soon as possible!” “Teka, titingnan ko ang text ng nasagapan ko ng tsismis.” Bumaba ang tingin niya sa kanyang cellphone saka binasa ang nakasulat doon. “s**t, today pala dzai!” “Today… today?!” gulat na tanong ko. “Anong oras? Kailangan ko na silang mapigilan. Hindi ako papayag na gano’n lang! Pagkatapos niya akong pakasalan! Siya naman ang nag-alok ng kasal! Hindi ito pwede, hindi ako papayag!” Kaya naman, dala ang marriage certificate na kinuha ko sa Judge na kaibigan nitong si Ma’am Lara, nagtungo ako sa venue ng kasal ni Stryker. Alam kong nakakahiya, pero bukod sa nakakaawa ang bride dahil wala siyang kaalam-alam na kasal na pala ang playboy niyang pakakasalan, kawawa rin ako. Aba, paano na lang kung makahanap ako ng lalaking gusto akong pakasalan? Tapos makita na kasal ako, edi nganga! Kailangang mapawalang-bisa ang kasal naming dalawa bago siya magpakasal sa iba! Nang matapos ang kasal na dapat e sa ibang babae, nagsisi ako sa impulse action na ginawa ko. Nanlulumo ako habang sakay ng kotse ni Stryker. Panay ang baba ko sa coat na nakatakip sa hita ko. Sino bang hindi manlulumo? Bukod sa nakakainis at ipinakasal kaming dalawa, nakita rin ng lahat ang polka dots na panty ko! “Hey, are you okay?” Huminto ang kotse sa harap ng malaking bahay. Hindi ko alam kung kaninong bahay ‘yan, baka sa pamilya niya. Ewan! Lutang na ako hanggang sa matapos ang kasal. Kahit sa kiss the bride, hindi ko naramdaman ang labi niya nang halikan niya ako! “Mukha ba akong okay?” “Bakit ka ba kasi sumugod-sugod sa kasal? You can just call me after the wedding,” he replied. Nilingon ko siya at inirapan. “Excuse me lang, ha? Noong gabing nagkasal-kasalan tayo, you said we should meet again after that night. Pero anong nangyari? Hindi ka nagpakita!” “Did you wait for me, then?” Namilog ang mga mata ko. “Aba’t—hindi ‘no! Biro lang sa akin ang lahat ng iyon! Wala akong balak na makipagkita pa ulit sa iyo. Hindi ko naman kasi akalain na irerehistro ng Judge na iyon! Siraulo siya!” He bit his lips and then smiled. “Actually, I have something to tell you.” Natigilan ako sa nang sabihin iyon. “Ano ‘yon? Huwag mong sabihing sinadya mo dahil may gusto ka talaga sa akin? Naku, Stryker sinasabi ko sa ‘yo—” “I didn't expect you to talk like this. Mukha kang tahimik kapag nakikita kita sa Bar,” aniya. “But anyway, yeah, sinadya ko talaga.” “Sinasabi ko na nga ba—” “But before you react, sinadya ko iyon dahil ayaw kong magpakasal sa pangit na ‘yon. You saw her, right? She’s so ugly! Gustong-gusto nila akong ipakasal sa kanya dahil matalino, mayaman at mabait daw. I don't care about those things! I can't live with an ugly woman like her.” Natigilan ako sa lahat ng mga sinabi niya. Hindi ako agad nakapagsalita. “What?” Taas-kilay na tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. “Ang sama pala ng ugali mo ‘no?” “Anong masama? Kahit sino naman siguro, gugustuhin mo bang makapang-asawa ng pangit?” “Magpapakasal ako sa pangit basta mabait. Hindi sa kagaya mo na gwapo nga, pangit naman ang ugali. Bilisan nating mag-divorce. Ayaw kong tumagal pa ang bisa.” “Bakit? Are you in a relationship? Bakit nagmamadali ka?” “Ikaw kaya ang tanungin ko, bakit parang wala kang pakialam? You did this, right? Sinadya mo pala! Edi ikaw ang may kasalanan!” “Okay, calm down. Sinadya ko nga, pero you agreed to marry me. Because? Because I’m handsome, right? What was your name again?” Nanlisik ang mga mata ko habang tinitingnan ko siya. Hindi ako makapaniwala na kinakausap ko ang ugok na ito. “Ewan ko sa ‘yo! Dito na ako, uuwi na ako sa bahay ko!” “Sandali, huwag mong sabihing uuwi ka na…” Bumaba ang tingin niya sa mga hita ko na kaagad ko namang tinakpan. “Ano’t—ihatid mo ako!” reklamo ko sa kanya. “Ihahatid kita, magbibihis lang ako saglit. I don't want my wife to walk around like that.” “Aba’t siraulo ‘to, ah!” Hindi na niya ako pinakinggan pa, nagmamadali na siyang lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay niya. Bahay niya ‘yang malaking bahay na iyan, malamang! D’yan siya papasok, e. Naghintay ako roon. Ang tagal. Nag-text na ako kay Ma’am Lara, tinawagan ko na siya at hindi sumagot. Nag-browse na ako sa social media, naglaro na ako sa cellphone ko pero wala pa rin siya! Sa inis ko, lumabas ako ng kotse at pinindot ang doorbell. Sobrang tagal, e! Bumukas naman din agad ang gate, at bumungad sa akin ang babaeng maid yata sa bahay niya. “Si Stryker? Ang tagal! Sabi magbibihis lang!” reklamo ko. “Huh? Sino po kayo, Ma’am? E, si Sir po, nag-su-swimming pa po sa pool.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “A-anong… anong nag-su-swimming ang sinasabi mo?” “Nandoon po sa pool, nag-su-swimming. Ano po bang kailangan n’yo?” “Ako ang asawa niya, teka, nasaan ba at puntahan ko na lang.” “Ma’am, paanong ikaw ang asawa ni Sir, e si Ma’am—” “Basta’t papasukin mo na lang ako. Namumuro na ‘yang amo mo sa akin, e.” Sa inis ko, hinawi ko iyong kasambahay at nagmamadaling pumasok sa loob. Lakad-takbo ako habang iyong kasambahay ay sunod nang sunod sa akin at pilit akong pinapaalis. Hanggang sa nakarating ako sa pool at naabutan ko nga siyang nag-su-swimming! “Diyos ko!” bulalas ko. “Akala ko ba magbibihis ka lang?!” Agad siyang umahon. Nagmamdaling tumalikod naman ako nang makitang topless lang siya at nakita kong hubog na hubog ang mga pandesal sa tiyan niya! “Kinakausap mo ba ako? Humarap ka nga.” “Sabi mo magbibihis ka lang! Pinaghintay mo ako sa labas! Pwede bang pahiram na lang ng damit? Kahit damit mo na lang!” Tinuro ko ang kasambahay na nasa harap ko. “Pahiram ako ng damit, ibabalik ko na lang sa ‘yo. Uuwi na ako.” Ngunit hindi pa man nakakapag-react iyong kasambahay, tumalikod na ito sa akin at nagmamadaling umalis. Doon ko lang naramdaman ang pagtulo ng tubig sa balikat ko. “Ihahatid nga kita, relax…” Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulong siya sa akin. Sa inis ko, itinulak ko siya palayo sa akin. Pero dahil sa lakas ng pagkakatulak ko, na-out of balance siya, napahawak sa akin at nang mahulog siya sa tubig, nahulog din ako! Lord, matagal na akong naglilingkod sa iyo. Anong klaseng pagsubok po ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD