Dreco's POV “Huh!” napatayo akong bigla mula sa aking pagkakahiga sa malaking kama. “Ang bangungot muling iyon,” nabanggit ko sa aking sarili. Na wala na ang asawa ko ngunit muli rin kaming magkakatagpo sa ibang panahon. Ngunit kagaya ng dati ay muli ring may hahadlang at magkakahiwalay. “Bakit? Nanaginip ka na naman?” nag-aalalang tanong ni Leana na nagising sa pagkakahiga mula sa tabi. “Don't worry, Mahal. I'm okay! As long na narito ka sa tabi. Basta huwag ka lang ulit gagawa ng hakbang na ikadedelikado ng buhay mo. Baka mabaliw na akong tuluyan!” sumamo ko sa kanya at inabot ang magkabila nitong palad at hinagkan. Ngumiti ito sa akin at tumango. “Ikukuha lang kita ng tubig.” Nakangiti niyang sabi at tumango lang ako.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books