Chapter 3

2590 Words
Leana's POV Kumuha ako ng bawang sa lagayan at dinikdik ito. Balak kong magsangag bilang almusal. Tapos ko nang durugin ang kaning lamig kanina para sa sinangag. Si Mamang ay napakain ko na rin. Nag-blender ako ng kanin at gulay kanina at iyon ang nilagay ko sa feeding tube nito. Kaya naman ngayon ay pagkain ko na lang ginagawa ko. Akmang magsasalang na ako ng kawali nang lumabas mula sa kwarto si Chander. Ito ang kasama kong mag-alaga kay Mamang, lalo at palagi akong nasa labas dahil sa sidelines ko. Labing pitong taon pa lang ito at kita na iba ang kilos at gawi nito bilang lalaki. Malambot ito at malantik kung gumalaw. Isang bagay na kinagalit ng ama nitong pulis at pinalayas ito dahil sa ayaw nitong pumayag na magpakalalaki. Naalala ko kung paano itong kumatok sa pintuan ng bahay namin at nagmakaawa na makahingi ng kahit tirang pagkain sa gutom nito. Kinuwento nito ang nangyari at lubos akong naawa sa kanya. Kaya mula noon ay kinupkop ko na ito. Tapos na raw ito ng high school at pinangako ko na kapag nakaluwag ako ay pag-aaralin ko ito. "Magsasangag ka, Ate?" tanong nito. Bagamat ilang taon lang ang agwat namin ay magalang ito sa akin at tunay na ate ang turing sa akin. Napakagalang nito kaya naman natutuwa ako dito. "Oo! Magpiprito muna ako ng scrambled egg para ulam natin. Si Mamang tapos ko ng pakainin" may ngiti sa labing sagot ko dito. "Ay itlog, gusto ko iyan!" malandi at malisyosong ngiti nito. "Chan! Ikaw talagang bata ka." kunwaring pagalit ko dito pero tumawa lang ito. "Joke lang! Hindi pa ako nakakatikim ng itlog kaya hindi ko pa alam kung masarap iyon. Ano kaya lasa niyon?" may ibang laman sa salitang sambitat tanong nito habang halatang nagpipigil ng tawa kaya nahampas ko ito ng mahina. "Ikaw talagang bata ka!" natatawa kong iling dito habang binabati ang itlog sa bowl. "Ako na ang gagawa diyan!" agaw nito sa akin sa bowl. Ikaw na ang magluluto?" tanong ko dito at tumango lang ito. Binuksan nito ang kalan kung saan ay nakapatong na ang kawali. Naglagay na rin ako ng mantika. Binangga ako ng balakang nito upang makapwesto ito sa harap ng kalanan dahil nakaharang ako. Sabay naman kaming napatawa sa kalokohan nito. Naiiling na tinungo ko ang cabinet sa bandang likuran nito. "Ikaw, Ate?" biglang tanong nito habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa kalanan. "Ano iyon?" seryosong tanong ko habang abala sa paghahanap ng 3 in 1 na kape sa taguan nito. "Nakatikim ka na ba ng itlog?" puno ng kaseryosohan ang tinig nito habang sinasabi iyon. Hindi ko mapigilan na manlaki ang mata dito. Kahit kailan talaga walang preno ang bunganga nito. Hindi ako nakaimik sa pagkabigla dito. Lumingon ito at matiim ang pagkakatitig sa akin. "Hala si ate, hindi na nakasagot. Siguro nakatikim ka na noh?" nakangisi nitong pangkakantiyaw habang nakapameywang. "Kadiri ka! Sa tanang buhay ko hindi ko gagawin iyon." singhal ko dito. Puro kababuyan ang alam nito. Nahanap ko ang kape at inilapag sa lamesa at tinungo ko naman ang refrigerator. Kumuha ako ng hotdog at binalatan ito. Biniyak-biyak ko ito upang maluto rin ang loob. "Eh iyan?!" muling tanong nito. "Ang alin?" takang tanong ko. "Iyang hotdog! Nakatikim ka na?" nguso nito sa hawak ko at nakangising tanong sa akin habang nangingislap ang mga mata. "Kapag hindi ka tumigil sa kalokohan mo, mapapalayas kita ng wala sa oras. Iyang kawali umusok na oh!" banta at paalala ko dito. "Hala ang malisyoso! Hotdog mismo tinanong ko. Saka dapat unahin ang hotdog dahil kakain ng mantika itong scrambled egg." kagat-kagat nito ang labi na halatang nagpipigil ng tawa. "Oh!" padaskol kong inabot ang plato ng hotdog. "Hala, namumula siya oh!" muling pang-aasar nito kaya pinandilatan ko ito. "Hindi ka pa talaga nakakatikim?" muling pang-aasar nito at inambaan ko ito ng suntok. Natatawang umilag ito. "Hindi pa!" pabulyaw kong sagot dito at tumalikod. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tumalikod na ako. Baka lalo ako nitong asarin dahil siguradong lalong namula ang pisngi ko. Ngunit kasabay nito ang biglang pagngiwi ko dahil sa naramdamang kirot muli sa pagitan ng mga hita ko. Mabuti at nakatalikod na kao dito pero hindi maiwasan na paika ang akong maglakad dahil makirot talaga. "Eh, bakit ganyan ka maglakad?" sita nito. "Natapilok ako kagabi." pagsisinungaling ko dito. "Natapilok?" tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. "Bahala ka na diyan! Sisilipin ko si Mamang para maihanda ang pangligo niya." pag-iwas ko na lang sa pang-aasar nito. "Okay!" sagot lang nito at pumasok na ako sa kwarto. "Mamang?" tawag ko dito. "Hmm?" mahinang tugon nito. Nakahinga akong maluwag at sumagot agad ito sa akin. Pinagtapat na ng doctor na kahit anong oras ay maari na itong bawian ng buhay. Sapagkat hindi na gaanong natatanggap ng katawan nito ang mga gamot na binibigay dito. Tanging natitirang lakas ng katawan ang nagbibigay buhay dito. Kaya naman bawat saglit ay kinakabahan ako sa tuwing sisilipin ito. "Paliliguan ko po kayo mamaya kapag natapos na kaming kumain ng agahan. Aayusin ko lang ang mga gagamitin at susuotin ninyo." malambing ko sambit dito at binigyan ito ng halik sa noo. "M-maari bang h-humiling?" kahit hirap ay pilit nitong sinambit ang mga katagang iyon. "Ano po iyon?" kaagad kong tanong dito. "A-ang p-pulng bestida ko. I-ipasuot mo s-sa akin m-mamaya." nakangiti nitong sambit kahit hirap sa pagsasalita. "Iyon po bang panlakad ninyo?" nakangiti kong tanong dito. "O-oo! K-kasi may i-importante a-akong pupuntahan m-mamaya. D-dapat m-maganda ako." nagniningning ang mga matang sagot nito. Hindi ko maiwasan na kabahan, ngunit sino ba ako para tanggihan ito? Napakababaw na kahilingan para sa ilang taon na labis na pagmamahal at pag-aaruga nito sa akin. Kumain lang kami ni Chander at matapos ay magkatulong namin na pinaliguan ng maligamgam na tubig si Mamang. Matapos ay pinasuot ko na ang pulang bestida dito at kita ko ang saya sa mukha nito. Naghahanda ako sa paglalaba nang magsisigaw si Chander. Nabitawan ko ang mga damit na luluglugan ko sana. Mula sa likuran ng bahay ay mabilis kong tinakbo ang kwarto nito. Kita ko ang pagtangis ni Chander habang hawak ang palad ni Mamang. Dahan-dahan akong lumapit at nakita ang nag-aruga sa akin na hindi na humihinga pa. Pilit ko na noon hinanda ang sarili ko dahil sa sinabi ng doctor. Pero hindi ko pa rin mapigilan masaktan. Ang taong tanging mayroon ako ay nawala na rin. Isang malakas na hagulgol ang hindi ko mapigilan na ibulaslas. Kaagad kong pinaayos ang katawan nito. Base na rin sa bilin nito ay hinayaan kong suot nito ang pulang bestida at kaagad itong ipinalibing dahil wala naman daw itong kamag-anak na pupunta. Mapapagod lang din daw ako. Sinunod ko ito at ayokong sa huli ay sinuway ko pa ito. Tanging kami ni Chander, Zandra at taga punerarya ang um-attend sa libing. Sapagkat matapos itong malinis ay pinaayos ko kaagad ang paglilibingan nito. "Alam mo? Gusto man kitang pagalitan sa bigla mong pagkawala sa event noong nakaraang gabi ay hindi naman ito ang tamang oras. Napagalitan din kasi ako." singit ni Zandra sa pagmumuni-muni ko. Narito ako ngayon sa balkunahe. Kung saan noong malakas pa si Mamang ay palaging dito ito nakapwesto habang naggagantsilyo. Salamat naman at hindi ako kinukulit ni Zandra sa pagkawala ko sa event noong nakaraan dahil hindi ko rin alam ang isasagot dito. "Pero alam mo?" muling pagsasalita nito sa tabi ko. "Ano?" hinid ko mapigilan mag-usisa dahil bigla akong nakaramdam ng kaba. "Sabi sa akin ng event organizer may pinapahanap na tao si Mr. Montecarlo. Parang nagpa-panic nga raw habang nagtatanong. Binigay niya lahat ng pangalan at pictures ng mga tao niya nung nagdaang event." sagot nito na kinabilog ng mga mata ko. "Pati natin?" hindi ko mapigilan na ibulalas dito. "Hindi! Kasi extra lang naman tayo. Mga regular staff lang niya saka wala naman tayong pictures and other data sa kanya." sagot nito habang nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot nito. "Uy! May mga event tayo everyday pero puro small time lang. Pero sapat na rin ang kita kasi yung iba two events sa isang araw. Isang umaga at isang gabi." paliwanag nito sa akin. "Ayos na rin iyon! Wala na si Mamamng kaya wala na akong kailangan bilhin na mamahaling gamot. Buti nga at iyong perang tinago ni Mamang noon hindi ko ginalaw kaya nagamit pang libing niya." sagot ko dito. Muling kinain ng lungkot ang puso ko sa kaisipang wala na si Mamang. "Pero after two months may big event ulit at doon ay tiba-tiba tayo. Malaki raw ang ibabayad sa atin. Sa catering ulit tayo." paliwanag nito at tumango lang ako. Hindi ko maiwasan kabahan kapag big event dahil hindi malabong magkita kami ni Mr. Montecarlo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magtatagpo muli ang aming mga landas. Inabala ko ang sarili sa paglilinis ng bahay at pagtago ng mga personal na gamit ni Mamang. Kinakain lang ako lalo ng kalungkutan kapag nakikita ko iyon, kahit na ang totoo aay ng buong bahay ang mismong malaking bagay na magpapaalala sa akin tungkol dito. Matapos umalis ni Zandra ay nagsimula na kaming magligpit ni Chander. Dalawang araw ang lumipas at hindi muna ako sumasama sa mga raket. Kamamatay pa lang ni Mamang at mananatili muna ako sa bahay. Nagluluto ako ng tinola para sa tanghalian namin ni Chander nang makarinig ako ng katok. Wala si Chander at inutusan kong bumili ng yelo dahil nasira na ang ref namin at wala pa kong pambili. Ibinaba ko ang hawak na sandok at lumakad patungong pintuan. Imposibleng si Chander ito dahil hindi naman iyon kakatok at bubuksan na lang ang pinto. Isang lalaking pormal na pormal ang suot ang bumungad sa akin. Naka-tuxedo ito at naka-necktie pa. Marahil ay abugado ito. Bigla akong kinabahan at baka pinadala ito ng kamag-anak ni Mamang at aangkinin ang bahay. Hinubad nito ang itim na cowboy hot at itinapat sa dibdib bago yumukod sa akin. "Good morning, Miss!" magalang nitong pambungad na salita. Medyo napaatras ako sa sobrang pormal at galang nito. Nasa trenta mahigit o kwarenta siguro ang edad ng lalaking kaharap ko. " Good morning din po! May maipaglilingkod po ba ako sa inyo? Kung bebentahan ninyo po ako ng sabon ay pasensiya na po at wala akong pambili." hingi kong paumanhin dito. Bakit naman nagbebenta ng sabon ang naisip ko sa suot nito ngayon. Shunga ka talaga, Leana! Isang mahinang tawa ang ginawa nito dahil sa sinabi ko. "Hindi ako nagbebenta ng sabon, Miss. Abogado po ako." nakangiti nitong sagot sa akin. "Po? Wala po akong ginagawang masama? Baka si Chander!" nanlalaki ang matang sagot ko dito at kinabahan na baka may inililihim sa akin ang baklitang iyon. "Bakit ako? "naghihisterikal na bungad ni Chander na nakabalik na pala at may dalang yelo na tag tatlong piso at sa kabilang kamay ay isang pakete ng orange juice. Sabi ko yelo lang ang bilhin, ang arte talaga. "Hindi po! Wala pong may sala sa inyo." natatawang sagot pa rin ng abogado. "Ay, wala naman pala eh! Papasok na ako sa loob at malulusaw na itong yelo." pagpapaalam ni Chander at pumasok na sa loob. "Ano po ba talaga ang sadya ninyo?" seryoso ko nang tanong dito. "Ang bahay na ito ang sadya ko talaga, Miss!" diretsong sagot kaagad nito at hindi ko mapigilan na mapakunot ang noo. "Po? Bakit po? Anong problema dito sa bahay?" taka kong tanong ulit. "Interesado ang big boss namin na bilhin ang bahay na ito. Name your price at sasabihin ko kaagad sa kanya!" nakangiting sagot nito at puno ng confidence. "Ayoko kayong malungkot at pagalitan ng boss ninyo. Pero hindi ko po ito binebenta at kahit kailan ay hindi po. Pasensiya na ho at may niluluto pa ako." tugon at pagpapaalam ko dito. "Kung ganoon ay ipapaalam ko na lamang sa boss ko ang naging usapan natin. Marmaing salamat sa inyong oras." paalam nito at muling sinuot ang sumbrero nito. "Ano raw iyon, Ate?" kaagad na tanong ni Chander na siyang naghahalo ngayon sa tinolang nakasalang. Napatingin ako sa pitsel at nakita kong natimpla na rin nito ang juice na ngayon ay malamig na. Napakabilis talaga kumilos ni Chander. "Bibilhin ka raw nila!" sagot ko dito. "Ay, Ate! Ano ang sinagot mo?" tila napakaseryoso ng pagkakatanong nito at lumapit pa sa akin. Napaupo ako sa isang silya sa mahabang lamesa. "Ang sabi ko hindi pwede. Wala akong makakasama sa bahay." pigil ang tawang sagot ko dito. "Ano raw ang gagawin sa akin?" interesadong tanong muli nito. "Ibebenta ka raw sa mga gwapong lalaki." sagot kong muli. "Ay, sayang!" hinayang na hinayang nitong sambit at pinadyak pa ang kanang paa. "Tapos kakatay-katayin ka! " lalong pigil kong tawang sundot pang salita dito. "Ay! Ano ba iyan? Buti hindi mo ako binenta!" napapangiwing tugon nito. Hindi ko mapigilan na mapahaglpak. Ito lang talaga ang nagpapasaya sa akin. At sa wakas nakaganti ako sa kalokohan nito. "Ano nga kasi?" nanggigil nitong tanong at ngumuso. "Gustong bilhin itong bahay." kaagad kong sagot matapos mapatahan ang sarili mula sa pagtawa ng malakas. "Ay! Pwede naman kamo pero kasama ang may-ari at ang alalay." malanding sagot nito at napatawa lang ako. Kahit kailan itong bading na ito. Dreco's POV Hindi ko mapigilan na malamukos ang mga hawak kong profile ng mga pinadalang tauhan ng catering. Wala isa man sa mga ito ang babaeng nakasiping ko noong nagdaang gabi. "Wala na ba?!" pabulyaw kong tanong na halos magpatalon mula sa kinatatayuan ang mga tauhan ko na nasa harapan ko ngayon, habang ako ay nakaupo sa aking paboritong upuan sa loob ng aking opisina. "Iyan lang po ang binigay na profiles ng may-ari ng catering. Baka kasama raw po iyon sa mga sideliner kaya wala silang hawak na profile ng mga iyon." sagot ni Robert. Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Kung ganoon ay humingi sila! Now!" nanggigigil kong utos dito. "Pinagawa ko na po iyan. Kaya lang ang isang handler po ay umalis na paibang bansa kaya di na matukoy ang ibang sideliner na kinuha." kita ang takot sa mga mata nitong sagot. "This is b*llshit! Ikaw na babae ka! Pinahihirapan mo ako sa paghahanap sa iyo! Lagot ka sa akin kapag nahanap kita. Itatali kita sa kama ko." nanggigigil kong bulong sa sarili. Ikaw lang ang babaeng umiwas at nagtago mula sa akin. Malayo sa mga babaeng nakilala ko. That challenges me more. "Boss! Napuntahan ko na po ang bahay kung saan ay interesado kayo sa lote na kinatitirikan nito." biglang bungad ng isa sa aking mga abogado. "What's the update? Magkano raw?" tanong ko kaagad dito at dinampot ang checkbook sa tabi ko. "Iyon nga po, Boss! Ang problema ay ayaw po niyang ibenta at hindi raw niya ibebenta kahit kailan." magalang na sagot nito. "Is it a woman?" tanong ko. Tumango lang ito. "Ang hirap talagang unawain ng mga babae. Pilitin niyo at kulitin. Balik-balikan niyo hanggang magsawa at bumigay. Kapag nagtagal at hindi pa rin pumayag ay ako na mismo ang pupunta. For now ay may iba pa akong pinagkakaabalahan. I'm still looking for my future wife. Let's go, Johnson!" utos ko at tinawag na ang bodyguard at driver ko rin. Kinuha ko ang coat at mabilis na sinuot. Tutungo ako ngayon sa isang magaling na investigator. Ewan ko na lang talaga kung hindi ko pa siya mahanap. Dala ko rin ang video clips ng cctv. But the problem is blurred ito at hindi ganoon kalinaw. Kaya hindi lahat ng details ay malinaw sa babeng umakyat sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD