Leana's POV Nakasilip ako sa labas habang mabilis ang takbo ng aming sasakyan at pinagmamasdan ang pag-agos ng tubig sa salamin na bintana. Napakasarap sanang matulog na lang sa bahay kapag ganitong panahon at pumailalim sa kumot. Pero iniisip ko na marahil ay binabasbasan ang pag-alis namin ngayon. Pinagmasdan ko ang katabi kong lalaki na nakapulupot ang isang braso sa beywang ko habang abala sa cellphone nito. Mukhang hinid maganda ang mood nito dahil sa apgsasalubong ng kilay nito. Patungo kami ngayon sa airport para tumungong Canada. Si Johnson ang nagmamaneho para sa amin upang maiuwi nito ang sasakyan pag-alis namin. Bumuntong hininga ako at humarap sa lalaking nakayuko pa rin habang dumudutdot ang daliri nito sa cellphon