Leana's POV Mula sa pagkakaupo ko sa harapan ng vanity mirror ay mabilis akong napalingon sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas at mabilis ng pagsara nito. Napangiti ako ng matunghayan si Dreco na nakangisi sa akin. Mga ngiti may milagrong iniisp. " Umalis na sila? " tukoy ko kela Brent at Lena habang naglalagay ng lotion sa palad ko. Tumango lang ito at lumapit sa akin. Pinapahid ko ang lotion sa braso nang manlaki ang mata ko at malula dahil sa biglaang pag-angat ng katawan ko. " Kalmahan mo lang, Dreco. Buntis ako at baka nakakalimutan mo. Tatlong buwan na ngayon akong buntis at may munting umbok na rin sa tiyan ko. " I will be wild but careful at the same time. " may kindat pa nitong s