Leana's POV Naramdaman ko ang pagpihit ng pinto kaya kaagad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili. Kung mapansin man ng asawa ko na mugto ang mata ko ay isisipin lang nito na umiyak ako dahil sa pagkawala ng anak namin. Hindi ako nagkakamali ng hinala at ito nga ang nagbubukas ng pintuan. Napatingin ito sa akin. Ang tipo ng ngiti na hindi buo at kita sa mata nito ang magkahalong lungkot at awa marahil para sa akin. “ Mahal… “ mahinang anas nito at muli ngumiti. Isang ngiti halatang pilit na pinasaya. Ngumiti rin ako dito pabalik at iniunat ko ang kanang braso ko at inilahad ang kamay dito. Nakangiti naman itong lumapit at kaagad na inabot ang nakalahad kong kamay dito. Napansin kong tunay na ang ngiti nito at marahil ay nag-aalala lang talaga ito sa magiging