Leana's POV Kakatapos lang namin ni Manang lutuin ang paborito ni Dreco na ulam. Hawak ko ang bagong lutong menudo at gusto kong ipagmalaki sa kanya na ako ang nagluto kaya dinala ko ito patungo sa kinaroroonan nila ni Brent. Pero papalapit pa lang ako pagkalabas ko ng pintuan ng dirty kitchen ay may naririnig na akong kumusyon. Nakakunot ang noong tuluyan akong lumakad patungo doon habang tangan pa rin ang mangkok. Lumiko para tunguhin sila at makita ang nangyayari pero hinid ko mapigilan mabigla at mabitawan ang hawak kong mangkok na ikinabasag nito. Napalingon ang lahat sa akin dahil sa ingay na idinulot nito. Namimilog ang mata ko habang nakatulala at nakatingin kay Levigne na hostage ang isa sa mga kasambahay dito sa mansiyon. Isang ngisi ang su