Dreco's POV Patuloy sa marahang paglapit sa amin si Felix habang nananatili ang nakakalokong ngisi sa mukha nito. Nangingislap ang kanyang mga mata na tila nanabik sa gagawin nitong krimen. "Anong nangyayari sa iyo, Felix? Bakit mo ito ginagawa?" sinubukan ko itong ma-distract habang palihim kong nilalagay sa bandang likuran ko ang aking kamay at inaabot angi lalim ng unan. Hinandak oang proteksiyon naming ito dahil alam kong nasa delikadong lagay pa rin ang buhay namin. Naabot ko ang hawakan ng baril at dahan-dahang ilabas mula sa ilalim ng unan ngunit pinanatili ko ang pagkakahawak nito. Nasa tabi ko si Leana at mahigpit ang pagkakayakap sa akin kaya naman natatabunan ang braso ko na nakatago. Mahigpit kong hawak ang baril at handa sa bayolenteng paglapit ng lalakin