Dreco's POV “Nasaan ang pangturok ko para sa pampamanhid? Kailangan kong tumulong sa kanila!” tanong ko sa asawa ko na halos tulala pa rin. Napatingin ito sa akin at binigyan ako ng masamang tingin. “Huwag mong ipilit ang sarili mo sa hindi mo pa kayang gawin, Jake Dreco! Hindi mo ako pwedeng iwan dito. Kung may gagawin man tayo iyon ay ang puntahan ang dalawang bata,” tugon nito at hindi binigay ang nais ko. Ibubuka ko pa sana ang bibig ko pero naunahan na ako nito at muling nagsalita. “Ibibigay ko lang ang injection sa iyo kapag masakit talaga ang binti mo. Pero ka pwedeng sumobra nang gamit niyon,” hulang sagot nito sa sasabihin ko sana. Ang galing niya at alam na isisingit ko pa rin ang tungkol sa pang-injection. Tinulungan ako nitong sumakay sa wheel