Ayumi "Ayos ka lang, Ayumi? Kanina ka pa tulala?" Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig kong magsalita si Cheska sa aking harapan. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon dahil nagpasama siya sa akin na bumili ng mga bagay na gusto niya. Upang ma-relax ang aking isip, pumayag akong sumama ngunit hindi ko akalain na kahit kasama ko si Cheska at nagsho-shopping siya, lilipad pa rin pala ang aking isip. "Okay lang ako, may iniisip lang," tugon ko saka pilit na ngumiti. Kahit kaibigan ko si Cheska, mas pinili kong itago sa sarili ang mga bagay na nakapagpapabigat sa aking dibdib. Siguro nga ay malihim akong tao, ngunit mas ayos na sa 'kin ang ganito kaysa ang mag-alala sila sa 'kin. "Kain muna tayo?" pag-aya sa 'kin ni Cheska. "Sige," maiksi kong tugon. Nagtungo kami sa isang