Ayumi NAKAUPO kami ngayon sa sofa habang nakaupo sa kabila ang mommy ni Jake na si Mrs. Elizabeth Suarez. Pinipilit kong tatagan ang loob at pakalmahin ang sarili at hindi ipahalata sa kanya na kinakabahan ako. Nakailang mariing lunok na rin ang aking nagawa habang nakatingin sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Sa kanyang likod ay nakatayo ang limang bodyguard na satingin ko ay susugod kahit anong oras, kaya mas lalo akong kinakabahan sa mga tingin ng tao na ito. "Mukha ka namang matalino kaya sa tingin ko ay madali kitang mapapakiusapan," panimulang wika ng mommy ni Jake. "A-Ano po ba ang paguusapan natin, ma'am?" nauutal ko pang saad. "Pag-usapan natin ang tungkol sa anak ko." Muli akong napalunok nang sabihin niya iyon. "Sa tingin ko ay mahihirapan kayo kung wala nang trabaho