Ayumi KAHIT gustohin ko mang pumatak ang aking luha, hindi ko maaaring ipakita sa aking mga magulang ang kahinaan ko. Labis akong nalungkot nang mabasa ang papeles ni daddy. Tungkol ito sa termination niya sa trabaho. Hindi namin alam kung ano ang nangyari. Ang sabi naman ni daddy ay maayos naman siya magtrabaho at kahit kailan, hindi siya nala-late o uma-absent. Engineer ang aking ama kaya malaki ang nakukuha niya kahit paano. Ngunit ngayong tinanggal siya sa trabaho, saan na kami kukuha ng pangtustos dito sa bahay? "Ano nang gagawin natin?" panimulang tanong ni mommy, saka umupo nang maayos sa kama at hinawakan ang kamay ni daddy. Ako naman ay nakatayo sa kanilang harapan habang hawak ang papeles ni daddy. "Ano ka ba naman, mahal. Siyempre maghahanap ako ng trabaho para sa 'tin. Hi