Ayumi ISANG mainit na labi ang dumampi sa aking pisngi, dahilan upang magising ang aking diwa. Kunot-noo kong minulat ang aking mga mata upang makita kung sino ito. Noong una ay malabo, hanggang sa unti-unti nang luminaw ang aking paningin. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi nang makita ko ang lalaking mahal ko na ngayon ay nakahiga sa aking tabi. "Good morning, Ayumi," pagbati sa akin ni Jake habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang daliri. "Good morning din," tugon ko na tila hindi na mawala ang pagkapako ng ngiti sa aking labi. "Let's have a breakfast?" tanong niya sa 'kin. Marahan naman akong tumango sa kanya. Naunang tumayo si Jake at naglakad palabas ng silid, oorder daw kasi siya ng makakain namin. Ginawalan ko naman ang aking katawan at sumandal sa b