Chapter 53

1207 Words

Ayumi SA pagitan ng palitan namin ng mainit na halik ni Jake, agad akong huminto nang makarinig ako ng isang malakas na tunog na nanggagaling sa itaas ng ere, dahilan upang ilayo ko ang aking labi, saka tumingin sa himpapawid. "A-Ano 'yon?" tanong ko nang may makita akong makakas na liwanag mula sa itaas. Palakas nang palakas ang tunog at halos mabingi na ako sa ingay. Sumasabay rin ang pagtaas ng aking buhok dahil sa hangin na palakas nang palakas, noon ko lang napagtanto na isang helicopter ang paparating sa aming kinaroroonan. At mas napatunayan ko pa ito dahil sa malaking elesi na aking natanaw. Hanggang sa tuluyang lumakas ang hangin sa paligid at hindi ko na marinig ang mga bagay-bagay. Bumaba mula sa himpapawid ang helicopter at pumarada sa rooftop kung saan kami naroroon ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD