Ayumi SA pagbukas ng ilaw sa loob ng conference room kung saan kami naroroon, narinig ko ang palakpakan ng mga member sa meeting. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makitang satisfied sila sa report ko at alam kong naibigay ko ang best ko rito. Halos pagod at puyat ang aking ginawa upang maging successful ito at ngayon, masasabi kong nagbunga ang aking paghihirap. "Thank you for that wonderful presentation, Ms. Reyes. We are glad ang satisfied sa ginawa mo," saad ni Jake na ngayon ay nakangiti at pumapalakpak kasama ng mga miyembro. "Thank you, Sir," tugon ko. "Now that we heard all of this. We are now prepared to invest for this, right?" masayang hikayat ni Jake sa mga kasama. "Masaya ako at ikaw ang may handle ng project na ito, I know I did a right decision, thank you," sinserong