Ayumi MABILIS na lumipas ang mga araw, tinatanaw ko ngayon ang aking paligid sa loob ng opisina dahil ito na ang huling sulyap ko sa lugar na ito. "Nakakagulat talaga na aalis ka na. Hindi man lang namin alam na nag-resign ka," wika ni Thea na madalas kong kausap dito sa opisina noon. Impit akong tumawa bago tumugon sa kanyang sinabi, "oo. Hindi ko na lang sinabi sa iba para wala na sanang drama." "Mami-miss ka namin, Ayumi. Wala nang manglilibre ng kape." Natatawa pa ako sa kanilang reaksyon ngunit nalulungkot din dahil iiwan ko na ang mga taong nakasama ko sa loob ng ilang taon. Masakit para sa 'kin ang mag-resign, ngunit wala akong magagawa. "Pwede pa naman tayong magkitakita ulit, eh. Message nyo lang ako," saad ko saka kumindat sa kanila. "Tama. Goodluck sa new journey mo, Ayu