Ayumi "BY the way, nice to see you again, Ayumi." Tila nanlamig ang aking kamay nang muli kong marinig ang aking pangalan mula sa kanyang labi. Hindi ko na maalala kung paano niya ako tawagin noon, ngunit nang muli niyang banggitin ang pangalan ko, tila bumalik ang lahat ng ala-ala sa aking puso. "O-Oo nga. It's been a long time, Jake," nag-aalinlangan kong tugon, sabay mariin na paghawak sa ballpen. "Ang galing, hindi ba? Sa dinami-rami ng lugar at sa hinaba-haba ng panahon, dito pa talaga tayo nagkitang muli, what a coincidence," nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit, dahil nakikita ko ang ngiti sa kanyang labi, ngunit hindi ito ngiti ng isang masayang tao. Tila may pait at pilit ang ngiti na iyon. Parang may nais siyang sabihin sa akin na pilit lang niyang tinatago. "Tam