Chapter 39

1426 Words

Ayumi LUMUNDAG ang aking balikat dahil sa kaba nang marinig ko ang pagbagsak ng dala kong dokumento sa sahig. Hindi ko namalayan na nabitiwan ko na ito dahil pakiramdam ko ay lumutang ang aking isip dahil sa bagay na aking narinig. "Who's there?!" rinig kong sigaw ni Jake. Hindi ko man tinulak ang pinto ng kanyang opisina, tila may buhay ito dahil bumukas ito nang kusa at paunti-unti, dahilan upang tuluyan akong makita ng mga taong nasa loob. Naisin ko mang magtago at tumakbo, wala na akong magagawa dahil nandito na ako. Mariin akong lumunok at napabuntonghininga, saka ako nagpakita ng matamis na ngiti sa dalawa. "A-Ayumi?" gulat na saad ni Jake nang makita ako. "Sorry to disturb, Sir. May ibibigay lang po sana akong dokumento," wika ko. Mabilis kong kinuha ang mga papeles na bumag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD