Jake Suarez MARAHAN kong binuksan ang kurtina sa silid ng anak kong si Aki. Sumilay ang liwanag ng buwan na nakapagpangiti sa akin. Ang totoo, hindi ako madalas umuwi sa bahay na ito dahil ayoko. Hindi sa dahil tinatakasan ko ang responsibilidad sa aking anak, kung hindi dahil hindi ko matanggap na nagkamali ako nang isang beses. Kinuha ko ang cell phone sa aking bulsa at tumawag sa lalaking pinagkakatiwalaan ko. "Kumusta, anong balita?" panimula kong bungad nang sumagot sa kabilang linya ang aking tinawagan. "Okay naman siya. Masipag pala 'tong babae mo." "'Wag mo siyang tawagin nang ganyan," iritable at kunot-noo kong tugon. Tumawa pa siya bago tumugon, "Sorry, sorry. Hindi ko kasi alam na ganyan ka kaseryoso." Huminga ako nang malalim at umiling-iling. Hindi ko ba alam kung bakit