Jake Suarez KUMUNOT ang aking noo nang marinig ko ang sinabi ni Mikki mula sa kabilang linya ng telepono. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking opisina at nakatanaw sa malaking bintana habang nakatayo. Ang totoo, naisipan ko lang namang tawagan si Mikki at hindi ako humihingi ng update tungkol kay Ayumi. Siguro ay hindi ko lang talaga maaalis sa aming dalawa ang topic na iyon sa tuwing kami ay mag-uusap. "What? Anong sinasabi mo? Anong invitation? Wala akong binibigay na imbitasyon kay Ayumi. That's ridiculous!" nakakunot ang noo at sunod-sunod kong tanong kay Mikki. "Ha? Pero sabi no'ng nagpadala rito sa 'yo raw galing. I'm sorry, hindi ko alam. I should have ask you first," wika ni Mikki na halatang naguguluhan sa mga nangyayari. Bakit naman ako magpapadala ng imbitasyon kay Ayumi? I