Jake Suarez BINATO ko ang hawak kong mga dokumento sa kanilang kinaroroonan. Sumunod naman ng tingin ang kanilang mga mata sa papeles na nasa kanilang paahan. Maging si Jacob ay namumutla dahil sa bagay na ito. Ayokong isipin na may alam siya at ayokong isipin na kasabwat siya sa mga nangyari, ngunit hindi ko ito maiwasan dahil sa mukha niyang nababagabag. "Explain this to me! Ano to?" galit na galit kong wika sabay sa pagkuyom ng aking kamay. Mabilis na nagtungo si mommy sa aking kinaroroonan. Hinawakan niya ang magkabila kong braso na animoy nagmamakaawa. "Believe me, son. Ginawa namin ito para sa 'yo, para mapabuti ang buhay mo," aniya habang pinipilit ingiti ang kanyang labi. "Look at you now, ang ganda na ng status mo sa buhay hindi ba? Kung hindi namin ginawa ang bagay na ito, w