Ayumi SA paggalaw ng aking kamay, kumunot ang aking noo nang maramdaman na mayroon akong katabi sa aking higaan. Kahit mabigat at tila pagod, pinilit kong imulat ang talukap ng aking mga mata. Noong una ay malabo pa sa aking paningin kaya napasingkit ako habang nakatagilid sa higaan. Hanggang sa tuluyan kong makita nang malinaw ang lalaking ngayon ay mahimbing na natutulog sa aking tabi. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang mapagtantong ilang pulgada lang ang layo ng mukha ni Jake sa aking mukha. Halos magtatama na nga ang tungki ng aming mga ilong kapag gumalaw ako nang kaunti. Maging ang kanyang hininga ay naaamoy ko na sa lapit ng aming mukha at hindi ko ito tinatanggihan. Napakasarap gumising na katabi mo ang taong mahal na mahal ko. Marahan akong gumalaw upang hindi siya magising