Jake Suarez ALAM kong pinangako ko sa sarili ang pagbabago. Ang pagtanggap sa anak at fiancé ko. Alam kong magiging malaking kasalanan ang desisyon kong ito, ngunit ngayon ko napagtanto ang totoong nais ng aking puso. Hindi ko kayang pilitin ang sarili na mahalin ang taong hindi ko mahal. Hindi ko kayang magpanggap na masaya kung hindi naman totoo. Kailangan kong ipaliwanag kay Andy ang lahat at sana ay maintindihan niya ako. Wala naman akong planong pabayaan sila. Kaya kong ibigay ang lahat ng nais nila, ngunit hindi ko kayang ibigay ang aking sarili. Sa araw na ito, hindi ako pumasok sa trabaho at nagtungo sa bahay kung saan nandoon si Andy at Aki. Binaybay ko ang kalsada gamit ang aking sasakyan, hanggang sa maya-maya lang ay nakarating na ako sa bahay kung saan sila naroroon. Puma