Andy Fortalejo NAGTUNGO ako sa aking silid. Nabalot ng matinding kirot ang aking puso dahil sa mga bagay na nangyari ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat, ngunit isa lang ang masasabi ko, wala na. Wala na ang bagay na pinaghirapan ko at inakala kong makukuha ko. Umupo ako sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili. Ang totoo, malaki ang pinagbago ng aking mukha. Malaki ang nabago sa akin dahil sa kanya. Dahil sa lalaking si Jake. Marahan kong pinikit ang aking mga mata, saka tila isang panaginip na bumalik sa akin ang nakaraan. Hindi ko na maaalala kung kailan nagsimula. Marahil, nagsimula kong magustuhan si Jake noong panahong tinulungan niya ako sa mga taong nanghamak sa akin noong elementarya. Hindi ako maganda. Maraming pekas ang aking mukha at hin