MAKALIPAS ANG TATLONG buwan ay umuwi kami ng Pilipinas. Nakakuha ako ng doktor na makakapalit ko sa clinic. I didn’t totally close down my business. Pinag-usapan namin ni Bruce at napagkasunduan na puwede pa rin akong magtrabaho twice a month as a consultant. Ang priority ko ay ang aking anak at asawa. Paris is growing up fast and I am enjoying every minute of it. Ganoon din si Bruce na halos ayaw nang pumasok sa opisina dahil gustong makipaglaro sa anak namin buong araw. Kumuha kami ng yaya para makatulog ako during the day kahit isang oras. Hands on pa rin ako sa anak namin at gumigising sa madaling araw. After I gave birth, it was Bruce who gets up at night to change the baby's diaper. Kapag may kabag ito at umiiyak, ang asawa ko rin ang bumabangon at nag-iintindi. Hinangaan ko ang

