SINABI KO KAY Bruce ang tungkol sa nangyari sa park and he told me not to go there anymore unless kasama siya. Kumontra pa nga ako dahil puwede naman basta may kasama ako. But he argued, kung hindi raw ako papayag sa gusto niya huwag na akong mag-exercise at okay lang na tumaba ako. Sukat sa sinabi niya ay napatawa ako nang malakas na naging dahilan ng paggising ni Paris. Umiiyak itong binuhat ni Bruce. “Why don’t you take a shower and I’ll take care of him. We can take Lolo out for lunch too.” “Okay, sounds like a plan.” We were out for lunch when I felt a heated stare. Pero nang magpalinga-linga ako ay wala naman. Napaka-weird ng araw na ito. I checked Paris who’s in his basket at tulog na naman ito. “Apo, bukod sa consulting mo, may balak ka bang magbukas ng clinic dito or join t

