WHAT TIME IS it? Umalis siya pagkatapos niyang pirmahan ang annulment papers at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon. What do I expect? That he’ll take it lightly? Na magiging masaya siya dahil makakawala na siya sa pagiging mag-asawa namin? Kumirot ang tiyan ko. No stress, remember? I tried to do deep breathing exercises to calm my self. Unti-unting nawala rin ang kirot. Thank you, baby. Nang mapagod ako sa paghihintay na bumalik siya ay nagpunta ako ng kuwarto at nahiga. Nakalimutan kong sabihin sa kanya ang bagong numero ng cellphone ko. Fine, I didn’t tell him on purpose. But still, alam naman niya ang number dito sa bahay kung sakaling kailanganin niya ng tulong. Mahimbing na ang tulog ko nang biglang parang may tumusok sa dibdib ko. Maingat akong umupo sa kama at hinabol ang a

