AKO MAN AY naguguluhan sa sarili ko. Ganito yata kapag nagpalamon ka sa galit at paghihinala. Humila ito ng silya at naupo malapit sa akin. Ikinuwento ko ang nangyari. Umiling si Vince at halos mabali ang leeg nito. Hindi maniwala na magagawa ng kaibigan niya ang sinabi ko. “She’s lying. Bruce will never do that to you,” seryosong sabi nito sa akin. I showed him the picture but as shocked as he was, he’s still on his friend’s side on this. “Believe me, masyadong in-love ang asawa mo sa iyo mula nang ikasal kayo. Sure, he has his moments for the first five years when you left. He was young and stupid plus he was upset about the guys being linked to you. Kulang na lang ay batuhin niya ang TV kapag nasa entertainment news ka at pilit na ni-lilink sa ibang lalaki. But after you sent the a

