Chapter 19 LIGAYA'S POV Namilog na lamang ang aking mata sa pag kagulat na ngayo'y mag kalapat ang aming mga labi ni Dakila. Gumalaw ang kanyang labi, at lumalim pa lalo ang aming pag hahalikan na wala akong naramdaman na anumang marahas at pag pupumilit ang kanyang mga halik kundi puno ng pag-iingat. Pag iingat na mag pagaan pa sa aking damdamin. Ang kanyang mga labi naman sobrang lambot. Sobrang tamis iyon, na tila ba'y ayaw ko na lamang na tigilan ang sandaling ito. Dinikit pa ni Dakila ang sarili niya sa akin kaya't umaapaw na lamang ang matinding naninibugsong init sa aking katawan, at damdamin lalo't hindi ko alam na ganito pala kasarap ito. Ano bang nangyayari sa akin? Ganito ba talaga ito? Bakit sa simpleng halik niya, tila ako'y nag kakaganito na? Gustong-gusto kong dam

