Chapter 18 LIGAYA'S POV Mag kasabay kaming dalawa ni Dakila na nag lalakad papunta sa balay ni Tiya Belinda para ito'y besitahin. Hinayaan ko na lamang naka lugay ang mahaba kong buhok at tangi kong suot ang presko na bulaklakan lamang na bestida. Sa tabi ko naman ang seryosong mukha ni Dakila, na suot lamang ang tshirt na itim at maong na pantalon at kabilang kamay naman na hawak ang basket lamang na laman ng aming pasalubong. Medyo maayos-ayos na siyang nakapag lalakad kumpara no'ng dahil medyo gumaling na ang kanyang pilay, nagagawa niya nang mag lakad na mag-isa na walang dalang sungkod subalit medyo paika-ika pa rin kanyang pag lalakad na tila ba'y nahihirapan pa rin sa pag lalakad. Masaya akong nakikita siyang paunti-unti nang gumagaling at ang iba niyang mga sugat na mabababaw l

