Chapter 54 LIGAYA'S POV "Ano ba! Diyan ka lang! Hindi mo ba ako narini——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, na lumapat na lang ang likod ko sa matigas at malamig na puno. Nanginig ang aking kalamnan na lumingon sa likuran ko, nag danak lamang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na wala na akong takas pa. Wala na akong matatakbuhan pa. Narinig ko na ang malakas na tambol ng puso ko sa takot na dahan-dahan na lumingon sa gawi ni Bughaw sa harapan ko na ngayo'y domoble ang galit at kakaibang ngisi na sumilay sa kanyang labi. Napaka dilim ng kanyang aura ngayon, na mas nakakatakot pa siya at tila ba'y napaka bangis siyang hayop sa harapan ko na anumang oras kikitil ng buhay. Apat ang hakbang ang layo sa akin ni Bughaw at maluha-luha naman ang mata kong napa tingin na l

