Chapter 53 LIGAYA'S POV Nagising na lang ako na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Umingos na lang ako sa pag kakahiga at dahan-dahan kong minulat ang mata ko, na makita na napaka taas na ang sinag ng araw. Napaka-balikwas na lang ako sa pag kakahiga at naupo sa papag, at hindi ko inalintana kong sabog man ang buhok ko at may panis na laway na namuo sa gilid ng labi ko. Hala, tanghali na ako. Dali-dali na akong kumilos pababa ng papag, at sinuot ko na ang sapin sa paa. Hindi na ako nakapag palit ng pantulog na kasuotan sa pag mamadali ko at wala na akong pinalampas na segundo na tinahak palabas ng aming silid. Hinawi ko na ang kurtina na nag mimistula naming pintuan ng kwarto namin at lakad-takbo na ang ginawaran ko dahil tinanghali na naman ako na nagising. Kainis talaga. Ba

