Chapter 52 LIGAYA'S POV Mag kasama silang dalawa ni Makirit binabaybay ang daan pauwi, pasado alas nuwebe pa lang ng umaga at heto't tapos na akong maka palengke. Inagahan ko talaga na pumunta sa bayan at bumili ng mga kailangan ko para sa ganun, maaga rin akong maka uwi at makapag asikaso. Balak ko kasi mamaya na pag lutuan ng masarap na tanghalian si Dakila at iluluto ko ang paborito nitong ulam kaya't ganun na lang ang aking pag kasabik na maka uwi lamang. "Siya nga pala, Ligaya." Pag babasag na lang ni Marikit ng katahimikan sa panig naming dalawa. "Bukas pala, kaarawan ng aking nakaka batang kapatid at mag hahanda rin ng simpleng salo-salo sa balay. Punta ka ha? Baka naman, may gagawin ka bukas at hindi ka na naman makaka punta." Naka nguso nitong wika na mapa ngiti na lang ako.

