Chapter 64 LIGAYA'S POV "D-Damian." Wala sa sarili kong salita na hindi inaalis ang mata sa bulto ng isang tao, di kalayuan sa amin ni Raven. Naka tayo lamang ito at naka suot ng mamahalin na kasuotan. Napaka linis niya na tignan ngayon at naka pako lang ang tingin nito kong saan. Pormang-porma na siya ngayon at iba na rin ang kanyang tindig at paraan ng kilos na malayong-malayo na sa Dakila na nakasama ko. Sa Dakila na kilala ko. Kalahati lang ng kanyang mukha ang nakita ko, alam ko sa sarili kong siya iyon. Si Damian iyon at hindi ako pwedeng mag kamali. Nabalutan lamang ng matinding pangamba at takot ang puso ko ng sandaling iyon, na hindi ko alam ang gagawin ko. Balisa at pinag pawisan ang palad ko na hindi maalis ang mata ko sa gawi niya. "Tara na Inay, nandon na po ang ice-cr

