Chapter 65 LIGAYA'S POV "Magandang araw po Tiya Corilina." Nilapitan ko ang matandang kapitbahay namin na makita ko siya sa daan. Napa hinto siya sa pag lalakad at lumingon sa akin ng marinig nito ang pag tawag ko. "Magandang umaga rin sa'yo Ligaya, ano ang iyong sadya?" Binaba na muna nito ang hamper na laman ng kanyang mga lalabhin na kanyang hawak. Simpleng pang bahay lamang ang suot ko na maong na short at pang taas naman ang t-shirt. Hinayaan ko na lang ang buhok kong naka lugay at hindi na ako nag karoon pa ng pag kakataon na asikasuhin ang sarili ko na mag ayos ng dahil inagahan ko talaga na gumising para lamang maka hanap ng pera. Gumising ako ng alas sais ng umaga para lapitan ang mga kaibigan at mga kakilala ko dito sa lugar namin, nag babakasali na baka maka hiram ako sakan

