Chapter 39 LIGAYA'S POV Dapit alas otso pa lang nang umaga, mag isa kong binabaybay ang daan papunta sa bayan. Sa kabila ko naman na kamay, hawak ang basket laman ng aking ititinda na mga kakanin at hindi ko na napansin ang pag bati ng ilang mga nakaka salubong ko sa daan dahil lamang napaka lalim ng aking iniisip. Nakapako lamang ang isipan ko sa kawalan, at hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa aking isipan kong ano ang narinig ko kagabi. Tunog ng pag bukas ng pintuan. Tunog ng yabag ng paa papasok sa loob ng balay namin. Sa tuwing naalala ko ang tunog ng yabag ng paa at pag bukas nang pintuan, pinaninindigan kaagad ako ng balahibo sa katawan. May kong anong nanunuot sa aking kalamanan na takot ng sandaling iyon. Hindi ako pwedeng mag kamali, alam ko sa sarili ko kung ano ang mga

